“Woohh! I miss this so much," sigaw ni Cassy na nakataas ang mga kamay sa ere habang sumasayaw.
“Me too!" Sigaw ko rin at sinabayan ang sayaw niya. Gumiling ako habang nakapikit ang mga mata at sinabayan ang napakalakas na tugtog.
Para kaming mga nakawala sa selda matapos ang maraming taon na pagkakakulong dahil sa pagiging hyper namin. May tama na kami ng alak kaya wala na kaming pakialam sa mga ginagawa namin.
“Sulitin na natin ’to bago pa mahuli si Jane ng bodyguard niya," Liz said jokingly but I knew she meant it.
“Baka papunta na ’yon dito?"
Nang bumaling ako kay Lucy ay kitang-kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. Parang mas kinakabahan pa siya kaysa sa akin.
I shook my head as I smiled at her. Sa aming apat ay si Lucy talaga ang palaging kabado. Siya ’yong tipo ng taong malakas ang loob pero mabilis kabahan.
It's hard to believe... pero matapang iyan siya at palaban. Nagiging mahina lang siya kapag ako o ’yong dalawa ang iniisip niya.
Like, we are her weakness. Ayaw niyang may hindi magandang nangyayari sa aming mga kaibigan niya. Lalo na kung kasama namin siya sa kalokohan.
“It’s okay. Nakapag-enjoy naman na tayo," sabi ko habang nakangiti pa rin.
“What will he do to you when he catches you?"
I stopped dancing to face her. “Hmm, hindi na naman niya ako papayagang lumabas ulit. I guess?" I'm not sure too. Hindi ko naman kasi alam ang nasa isipan niya.
Pero at least, nagawa ko siyang takasan.
Nalukot ang mukha ni Lucy at mabigat siyang bumuntong hininga. Nang magtangka siyang magsalita ulit ay hinawakan ko ang dalawa niyang mga kamay kaya natigilan siya.
“Don’t worry, Lucy. Hindi naman ako papayag na parati niyang gawin ’yon sa akin. He has no right in my life even though my father ordered him to do those things."
She sighed heavily again before she nodded her head slowly. “Basta kapag need mo ng help, sabihan mo agad kami."
I smiled. “Sige, tatandaan ko iyan."
“Oh, tama na iyan!" pagsingit ni Liz. Sumayaw-sayaw siya sa harapan namin at gumiling pataas-baba kaya natawa kami.
I just shook my head as I looked at her.
“Let's drink again!"
When I looked at Cassy, she was already holding a bottle of alcohol. Tumungga siya sa bote bago muling sumayaw. “Let’s drink, girls. Huwag nating sayangin ang oras. I know Shiera's bodyguard is already on his way here."
Masayang tinanguan namin ang sinabi niya at sabay-sabay na kumuha ng alak. Agad akong uminom ng makakuha ng ako ng isang bote. Nang tumingin ako sa tatlo ay umiinom na rin sila.
Sobrang saya kapag nagagawa mong i-enjoy ang ang buhay mo. Kahit na minsan, napapatanong ako kung bakit pa ako nabuhay kung hindi rin naman magaganda ang mga nararanasan ko.
Despite the multitude of problems surrounding me, I find solace in simply embracing moments of joy.
Mas pinipili ko na lang na magsaya kaysa ikulong ang sarili ko sa mga problema dahil alam kong mas lalo akong mahihirapan.
I've learned that in life, we don't only experience happiness. So, as long as you're still having fun and experiencing being happy, make the most of it.
Sulitin mo na dahil hindi mo masasabi ang maaring mangyari kinabukasan o sa mga susunod pang araw.
Let's make the conscious decision to find happiness in the midst of our challenges, and let's resist the urge to withdraw and isolate ourselves.
YOU ARE READING
Marriage #2: My Bodyguard [Ongoing]
RomanceShiera Jane Valencia has a dark past that only she knows about. She has kept it to herself and forced herself to fight the fear it caused. Despite feeling like there is no reason to live anymore, she chose to continue with her life. Then one day, un...