MB 15

1K 35 13
                                    

“Ohh, ito na!" my brows snapped together.

I handed him the contract with my signature. Nakatupi pa nga ito ng pirmahan ko at ang tanging nakalabas lang ay ang parte na pipirmahan. I didn't open it because it didn't seem necessary.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na gumawa talaga siyang ng kontrata. Ngayon lang ako nakakita ng kontrata.

“You won't read it?" tanong niya at kinuha ito.

I shook my head. “Tinatamad akong magbasa at saka sinabi mo naman na sa akin kung para saan at kung ano ang laman niyan. Kaya bakit pa?"

His head bobbed in agreement as he fixed me with a serious gaze. Medyo matagal siyang tumingin sa akin bago siya muling magsalita.

“So we are clear on that?" he asked as if he wanted to make sure of everything. “Hindi ka na puwedeng umangal at magpasaway."

I raised an eyebrow. “Okay, moron."

"Baka bigla mo na naman akong takasan." umigting ang panga niya at tila naalala ang ginawa ko noon.

“Hindi!" I snapped.

“Just make sure, brat," he commanded, looking at me emotionless. “Wala tayo sa bahay mo kaya huwag mo akong bigyan ng problema."

“Oo na nga!" tamad kong sabi at tinalikuran na siya. Binagsak ko ang sarili ko sa higaan at nagpagulong-gulong dito.

Sobrang lawak ng higaan niya at kasiya yata dito ang sampong tao. Ang ganda pa dahil sobrang lambot at ang sarap talagang higaan.

“Moron, wala na bang ibang kuwarto dito sa bahay mo?" tanong ko kalaunan.

“There is." maikling sagot niya.

“Puwedeng doon na lang ako magkuwarto?" nakakahiya naman kasi kung dito lang ako makikikuwarto sa kuwarto niya.

“Hindi puwede dahil marumi doon. I don't clean the guest room because I don't receive guests in my house."

“Huh?" I was shocked. “Eh, bakit may mga guest room pa?" nagtatakang tumingin ako sa kaniya.

He sighed heavily. “Para ’yon sa mga kapatid ko na bihira lang pumunta dito. Sila rin ang naglilinis doon."

Ngumuso ako at tila nag-isip. “Ako na lang ang maglilinis ng isang kuwarto," kunot noong suhestiyon ko.

He shook his head. “Huwag na, dito ka na lang."

“Magkasama tayo?" I sat in the middle of the bed, my eyes locked onto him. I waited for him to answer.

He sat on the sofa. “I'll just sleep here..." sa sofa. “Ikaw na diyan sa kama."

I frowned. “But..." I paused and looked at him for a moment. “It's your bed."

“It's okay, I don't mind."

Tumango na lang ako at tumahimik na gano’n din naman ang ginawa niya. When I looked at him again, he had closed his eyes and was leaning against the backrest of the sofa. Nakacrossed arms and legs siya tapos nakatingala siya habang nakasandal ang ulo niya sa pinakataas ng sofa.

I stared at him.

Iniisip ko pa rin na paano kaya kung wala siya? That only means one thing, no one will help me again. I will again find myself helpless in such a situation.

I was wondering why he still helped me even though he was calling me a brat. Being called a brat implies that my attitude and behavior were not good and pleasant.

Bumuntong hininga ako at umalis sa higaan. Lumapit ako sa kaniya at bigla na lang patagilid na umupo sa kandungan niya. Pinatong ko ang mga binti ko sa sofa habang nakaupo ako sa kaniyang kandungan.

Marriage #2: My Bodyguard [Ongoing]Where stories live. Discover now