MB 19

841 25 5
                                    

“Hi, girls!"

Liz's loud voice greeted us when we answered the call. Medyo nailayo ko pa nga ang phone dahil nakaloud speaker pala ito. Nasa higaan ako ngayon at nakadapa.

“What's with the energy?" Cassy frowned. “You seem buhay na buhay."

“Ang kill joy naman nito," umirap siya. “Ang tagal na kaya noong huling labas natin tapos ngayon na lang din ulit tayo nagkausap-usap."

Oo nga pala.

Ang huling labas namin ay noong muntik nang may mangyari sa akin. We never saw each other again after that night. Medyo nakalimutan ko rin sila dahil  ang nasa isip ko lang ay ang mga problema.

“Ohh, baka magtalo na naman kayong dalawa." Lucy said jokingly.

I laughed. “Hayaan mo sila, ganiyan naman talaga ang dalawang iyan."

“Hmm sa bagay..." natawa na lang kami. “So when will we go out again? May plano na ba?"

“Pass muna ako," I immediately said.

Ayaw ko munang lumabas ngayon dahil sa sinabi ni Saij. Maybe, this is the time for me to think about myself. Ayaw kong mapahamak ako pero hindi naman ako nag-iingat.

Kita ko na nagulat sila dahil sa sinabi ko.

“Huh? Bakit?" I can see the curiosity on Liz's face. Salubong ang mga kilay niya at nakakunot ang noo. “Dahil na naman ba sa bodyguard mo?"

I shook my head. “Hindi. It's my own decision."

“Eh, bakit nga? This is the first time you say pass."

“Parang tinatamad lang ako."

It's a lie.

They don't know my past and what happened to me even though they are my friends. Wala kasi talaga akong pinagsabihan noon at ngayon ay tanging si Saij lang ang nakakaalam.

Hindi ko alam pero malakas talaga ang loob ko kapag siya ang kasama ko. Kaya siguro ganoon na lang kadali para sa akin ang magsabi sa kaniya. Alam ko rin kasi na maiintindihan niya ako dahil una pa lang ay naiintindihan na niya ako.

Simula pa lang sa ugaling mayroon ako.

“Wow!" si Cassy na lumaki ang mga mata. “For the first time, Shiera Jane Valencia became lazy to go out." It was sarcastic. “Anong nakain mo, girl?"

Natawa ako. “Wala, tinatamad lang talaga ako. Kayo na lang ang lumabas kasama ang mga lalaki niyo."

“It is doubtful!" mausisang tumingin sa akin si Lucy na nakanguso pa. “Siguro ay may kinalaman talaga dito ang bodyguard mo. Nagalit ba siya noong umuwi kang mag-isa?"

“What?" Liz was shocked. “Oh my God! Baka hindi ka na niya ulit pasamahin sa amin."

“Stop overacting, guys. He doesn't know anything about my decision. Okay?" I sighed heavily.

I don't want to give him a headache, because he is helping me. Hindi pa nahuhuli ang mga kriminal at ayaw kong maging pasaway dahil baka siya ang mapahamak.

I don't want to put him in danger because he just wants to help me. Kaya hanggat maaari ay dapat kong disiplinahin ang sarili ko para maging ligtas kaming parehas.

Oo, hindi ko alam ang mga kaya niyang gawin. I don't know if he is stronger than anyone else. Pero wala na akong pakialam doon basta huwag lang siyang mapahamak nang dahil sa akin.

“Hindi na lang din kami lalabas kung hindi ka sasama," Liz suddenly said.

My brows snapped together. “Bakit naman?" takang tanong ko. “You can go out with your boys. Sila na lang muna ang isama niyo." Sumasama rin naman kasi sila sa mga iyon minsan.

Marriage #2: My Bodyguard [Ongoing]Where stories live. Discover now