Hinihintay ko lang siya mag bayad at
manguha ng pop corn, nang matapos
siya sa ginagawa niya ay pumasok na
kami sa loob.Nag simula na ang palabas at umupo
na kaming dalawa, pakiramdam ko nag
da-date na kami pina una niya ko sa
unang upuan saka siya sumunod.Hindi siguro ko pwede dito sobrang
softhearted ako! baka nga kahit
langgam lang at tinapakan iiyak na
ako.malapit nang matapos ang pinapanood
namin hindi pa ko tumatahan sa pag iyak
nakakahiya sakaniya!"Are you okay?" Tanong nito sa akin
"Malamang hindi! namiss ko yung Lola
ko" sabi ko sakaniya saka niya pinunasan
ang mga mata kong punong puno
ng luha. Nagulat pa ko sa ginawa niya
ganto ba talaga siya ni wala pangang isang
buwan kami magkakilala."Ang cute mo parin pag umiiyak"
Kunot noo ko siyang tinignan, parin?
kailan niya ko nakitang umiyak eh last
na iyak ko noong nakulong si ate."Let's go?" Nag mamadali siyang kumilos.
Hindi ko nalang pinsin ang sinabi niya
pag labas namin ay mag 5 o'clock na.
Uuwi na ba ngayon lang ako nakaranas
ulit ng ganto makapag gala."Let's eat, before i take you home" paalam
nito sa akin sumunod naman ako sakaniya.Pumunta kami sa Chowking dahil
paborito ko dito yung Shanghai at kanin.
Habang kumakain kami ni Xavier ay biglang
may kumalabit sa akin."Nico?!" Gulat kong nakita siya kaya
agad naman iyun nilingon ni Xavier."Ikaw ha may ka date ka na pala
ano yan low-key relationship " biro
nito sa akin. "Gaga nagkasalubong lang
kami nyan, bibili kasi ako ng gift for Ally,
Eh Ikaw bakit ka andito?" Tanong ko sakaniya."Namimili rin ako buti nalang medyo
simple si Ally kaya mabilis kong
nahanapan ng regalo" Saad nito sa akin."Uy pre musta " bati nito kay Xavier
kahit sino naman nagiging tropa nito.
ngumiti naman ito. "Una na ko ha, may
nag hihintay sa akin eh" "oo landi eh"
Sabi ko sakaniya saka umalis."Kilala mo pala asungot nayun" Usal
ko sakaniya "yeah unang dating ko palang
sa univ nakipag usap agad, medyo madal
dal pala yun" pareho naman silang madaldal
ni Adrian si Cy naman minsan lang makipag
bardagulan sa dalawa."Pag mas nakilala mo yun, tatambay nayun
sa bahay mo na akala mo bahay narin
niya" sabi ko habang kumakain.Natapos kami mag aalas sais na kaya
inaya ko narin siya na uuwi na ako.
"Ihahatid kita" sabi nito sa akin.Hindi na ko nagpumilit na wag na ako
ihatid dahil di ako mananalo sakaniya.
pumunta na kami sa parking lot kung
nasan ang sasakyan niya.Pinag buksan na niya ko ng pinto ng
sasakyan niya bago siya sumakay,
nakaramdam ako ng antok kaya umidlip
muna ko isang oras panaman ang byahe
papunta sa amin."Andrea" naririnig kong may tumatawag
sa akin saka ko inalog. Nagising ako dahil
sa may umalog sa akin, Nakita kong hawak
hawak ni Xavier ang mga balikat ko."We're here na" sabi nito sa akin kaya
ako tumango, inalalayan niya ako bumaba
kasi pakiramdam ko babagsak ako dahil
antok na antok na ako.Narinig kong bumukas ang pinto at
nakita si mama."She's tired po tita nanood kami saka
namili ng gift for Ally and kumain narin
po kami" Pag papaliwanag nito kay mama ."Halatang inaantok na nga eh, salamat hijo"
"Always welcome tita, uwi narin po ako"
paalam nito kay mama at nag paalam
narin sa akin.Pumasok na kami ni mama nang maka
alis na si Xavier. "Akala ko naman kung na
pano kana ang sabi mo sa akin ay saglit
kalang" pag aalala ni mama."Ma ayus lang ako kung matagal man
akong umuwi ay kasama ko sila Ally
pag ganun" sabi ko kay mama."Pero si Xavier ang kasama" nanunuksong
Usal nito sa akin."Nag kita lang kami noh, kasi mamimili
rin daw siya ng gift ni Ally invited rin
siya sa party" Pagpapaliwanag ko sakaniya.Ngumiti ito sa akin saka nag aya kumain
kahit busog pa ko ay kumain parin ako
gusto ko kasabay si mama lagi.Pagtapos ay nag hugas na ko alam
Kong pagod si mama galing trabaho
pumasok siya sa bakery minsan ay
siya na Ang gumagawa lahat dahil
maaga siya pumapasok para daw,
dagdag sahod.Nang matapos na ko ay umakyat na ko
sa kwarto ko para mag pahinga narin,
napagod kakalakad pero worth it naman.Typing.. dapat ba ko mag reply?
humingi ulit ng thankyou. Habang
iniisip ko kung itetext ko ba si Xavier,
nang biglang may lumabas na tatlong
tuldok doon.Xavier Juarez: Why are you still awake?
Ano idadahilan ko nakita niya ata
na mag tetext ako, baka isipin niya
tinitignan ko profile niya!."Ah ano.. mag tetext sana ako
sayo para mag thankyou ulit hehe"Xavier Juarez: Welcome, you need to
rest, may lakad kapa bukas birthday party.Oo nga pala birthday na ni Ally bukas
di na kaya ng antok ko hintayin ang
alas dose, kaya bukas ko nalang siya
babatiin.Pag pasok ko ay ang ingay ng mga kaklase
ko siguro ay dahil kay Ally nag i-invite siya.
pumunta ko kung saan siya naka upo."Happy birthday again Ally" sabi nung
isang babae tumango naman si Ally saka ngumiti.Nang makita niya ko ay agad niya ko
sinenyasan na pumunta sakaniya.
"Happy birthday Allybatot!"sabay nag beso
kami sa isat isa "thankyou, are you coming later?"Tanong nito "hindi ko sure eh" pag bibiro
ko. "Hindi kita kakausapin pag di ka
pumunta kala mo" irap pa nito sa akin.Nag klase na kami medyo mabilis mag
discuss si miss Bantugan kasi may
meeting pa daw siya. Kaya pinag lect
nalang kami.Lumabas na kami agad ni Ally sa room
para kumain madaming bumabati
sakaniya siguro ay madaming tao mamaya.
madaming kakilala si Ally akala mo ay
buong univ kakilala niya at siya.Nakita namin sila Kaliya na nag hihintay
sa amin kaya tinawag ko na. "Mga asungot"
sigaw ko sakanila kaya napalingon ang mga
ito."Happy birthday Allybantot!" Bati nila
kay Ally saka nila niyakap. "Thankyou guys,
punta kayo mamaya ha" Pag papaalala nito."Syempre naman madaming pagkain dun eh"
Usal ni Adrian saka kami natawa, takaw talaga
ng asungot na ito."Happy birthday" bati ni Cy kay Ally, kaya
nagkunware kaming nasamid."Ehem.. whenn ako lord" Usal ni Kaliya
"Andito ko oh" Sabi ni Nico na tinuro pa
ang sarili, inirapan lang siya ng babae.Kumain kami sa mcdo dahil pag daw
fishball lang ay bitin pa sakanila, kaya naglakad kami, malapit lang naman ang
lalakarin.May nakita pa kaming may nag aaway
na mag jowa "Nag cheat siguro yan"
Panimula ni Adrian " Chismoso talaga eh."Edi tanungin mo" masungit na sabi ni
Kaliya "kaya wala kang masyadong kaibigan
eh, sobrang sungit" inirapan lang ng
babae."8pm dapat nasa house ko na kayo ha"
pag papaalala ni Ally agad naman kami
sumaludo na parang sundalo.Mabilis lang kaming kumain dahil may
gagawin pa kami ni Ally na plates,
sirang sira na body clock ko!.After class ay nag paalam na ko sakanila
dahil mag aayos pa ko at mag lilinis sa bahay
bago umalis."Ingat ha text me when you get home na"
Buti nalang at maaga kami pinalabas,
nag taxi nalang ako para mabilis at di
siksikan.
YOU ARE READING
Play The Player Villa Juarez Series #1
RomanceVilla Juarez Series: Play The Player Xavier Villa Juarez he's smart, gentle to all woman but has secret. You don't know me well, Baby What will happened if she find out the secret of Villa Juarez?