Gumising ako bandang alas sais, Hindi ko nakita si mama baka siguro puyat kakaiyak.
hanggang ngayon di ko tanggap ang nangyare kay ate.Kanina pa may tumatawag sa telepono ni mama kaya sinagot ko na. "Hello" Panimula ko
ibaba ko na sana dahil wala namang sumasagot.Unknown:
Miss Montefalco right?.Kunot noo ko ito tinignan kahit di niya nakikita.
"Do you want to know everything about your sister?.
Aniya nito, kahit na kinakabahan ay pumayag ako. Gusto kong malaman kung sino ang nag utos sa tarantadong lalaking iyon, may kutob na ko kung sino ang nag utos.
Maaga kong umalis ng University sinabihan ko naren sila Kaliya na mauuna na ko, Tinatanong pa nila kung saan ang punta ko pero di ko na sinabi dahil sa kakamadali.
Naka ilang oras ren ako nag hintay bago siya makita, tumayo ako at agad ba bumati.
"Interesado ka talaga about your sister huh" ngisi nito kaya nairita ko. "May kutob ako na may nag utos kay Mr Alijandro". Diin kong aniya dito.Umorder muna kami, ang sabi ko sakaniya ay tubig ayos na ako busog naman ako kasi kumain kami nila Ally.
"Look at it" Usal niya bago ito binigay sakin, isa itong litrato sumukip nanaman ang dibdib ko nang makita ang mga larawan na iyon.
Tatlong lalaki ito at hawak hawak si ate, ang isa ay hawak hawak ang buhok at ang isa naman ay hawak hawak ang braso, "Your sister committed suicide because she was constantly harassed by three men."Mga hayop" nanginginig kong aniya bumuhos muli ang luha ko. Di ko kayang makita ulit ang litrato na iyon pakiramdam ko tinatawag ako ni ate.
"Hanggang ngayon ba mahina kapa rin?" Biglaan niyang saad sa'kin kaya napalingon ako. "Andrea, hindi madadaan lahat ng iyak mo iyan. Kung tutunganga kalang at hahayaan mong maging masaya sila, talo ka nanaman".
Pagod ako pero kailangan ko lumaban, pagod ako pero kailangan kong mahuli ang taong iyon.
"Sino ang nag utos?" Malamig kong wika sakaniya kita ang ngisi nito, "Ms Santiago and her sister".
Kunot noo ko siyang tinignan kaya mas lalo itong ngumisi, kahit na nakakairita ang ginagawa niya ay pinahinahon ko ang sarili ko.
"What did you say?, her sister?" Aniya ko humigop ito sa kape bago nag salita. "Yes, nung sinaksak siya ng ate mo, did you see her body?" Unti unti nang nag si-sink sa utak ko lahat ng nangyare."Wala kayong naabutan na bangkay doon, dahil kinuha ito ni miss Santiago at inalagaan. Walang nakakaalam sa nangyareng iyon". I could see the smile on his lips when he saw my reaction. "Ang pagkakaalam ko, isusunod na nila ang nanay mo" tawa nito.
"Makikita nila ang demonyo kung gagawin nila yon" aniya ko nalukot na ang suot suot nito sa pagkaka kusot ko. "Easy, Ms Montefalco" taas kamay pa nito. Kung di niya lang sinabi ang dapat kong malaman ay kanina ko pa siya pinatay.
Umalis na agad ako dahil hindi ko pa siya kayang harapin, nakakairita ang mga pinag sasabi niya. Habang lumalakad ako ay may nabunggo akong babae nagkalat ang dala nito kaya tinulungan ko na.
"Yeah, sure don't say tha-" Saad ng babaeng papunta samin, naka taas lang isang kilay nito at naka titig sakin. "What a small world" aniya nito. Aakmang aalis na sana nang bigla niya ko hinawakan sa braso ko, "Ano nanaman ba ang kailangan mo" wika ko sakaniya.
"Thankyou Andrea" mapang asar nitong usal sakin madiin parin ang tingin ko sakaniya konti nalang ay sasabog na ko. "Ngayon na nasakin na si Xavier, ito ang tip ko sayo" hagis niya sakin ng pera. Agad ko naman hinawakan ang kaniyang kamay, "Kung babayaran mo ko kulang payan sa mga pinag gagagawa mong katarantaduhan sakin, Amethyst I know your secret" ngisi ko sakaniya saka umalis.
Naiwan siyang nakanganga lang roon kaya napangiti ako sa reaksyon niya, i know everything about you bitch.
Nakita ko ang mga depungal na kumakain na, hindi manlang ako hinintay. "Andyan na siya" sigaw ni Adrian sabay tago ng pagkain.
Pagkalapit ko ay para kong nanghina, gusto ko man maging masaya ngayon ay hindi ko magawa. Kahit nga yata pekeng ngiti di ko kaya
hindi pa nila ang tungkol saamin ni Xavier at ni ate.Pumunta sila sakin saka ko niyakap na parang wala ng bukas, naramdaman kong humapdi na ang aking mata sabay sabay tumulo ang luha ko na kanina pa gustong kumawala. "Shh, it's ok we're here" haplos sa aking noo ni Ally.
"Pagod na ko" nanginginig kong aniya sakanila kaya lalong humigpit ang yakap nila sakin.
Ilang oras kaming ganun ang posisyon namin, ng maging ayus na ko ay kumawala na sila sakin saka ko pina upo. "Ano ba naman Andrea, hindi mo sinabi saamin ang pagkawala ng ate mo" saad sa'kin ni Nico na may halong galit. "Yung quizzes naibagsak mo" sunod na aniya ni Ally. "Hindi ka sumasagot sa mga tawag ko" sermon sakin ni Kaliya.
"Hindi ko alam ang gagawin ko, sabay sabay" hagulgol ko ulit. Kaya pinahinahon nila ko ulit.
Hindi na muna nila ko kinulit kung anong nangyare dahil alam nilang ikakasira ko iyon, natapos ang klase ng naka tunganga lang ako at tulala, pagod ang mata ko mula sa iyak.
Nauna ko umuwi kala Ally nag paalam narin ako na mauna na ko dahil baka kung anong gawin ni mama sa bahay.
Habang bumabyahe ako ay di ko mapigilan ang luha ko na gusto nang kumawala, kaya tinakpan ko nalang ang mata ko at yumuko.
"Miss, gising andito kana" tapik sakin ng matandang lalaki kaya agad akong kumilos at bumaba.
Naka sara ang pintuan ng bahay at nakapatay ang mga ilaw nito, kaya kumabog nanaman ang dibdib ko. "Ma" paos kong sigaw pero walang sumasagot tinignan ko kung nag lalaba lang siya pero wala. ayokong isipin ang nasa isip ko dahil di ko kayang pati si mama umalis.
Napabaling ang mata ko sa ref dahil may nakasabit ditong sulat.
Nanginginig ko itong binuksan saka ko umupo sa sofa.
Nak Andrea, pasensiya na kung hindi na ako nakapag paalam sayo nak dahil ayokong mas masaktan ka sa pag alis ko. Panahon na para bumangon ka sa sarili mong mga paa, hahanapin ko si papa mo para pag bayaran niya lahat ng ginawa niya satin. Huwag kang magalit kay mama babawi ako sayo nak tandaan mo proud ako sayo pati ang ate mo.
Love mama.
Habang binabasa iyon ay tumutulo ang mga luha ko, hawak hawak ko ang dibdib ko dahil sobrang sikip na ng nararamdaman ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati si mama ay aalis sa tabi ko.
"Tangina, ano bang kasalanan ko para ganto ang parusa" paos kong sigaw sa hangin puro sakit ang nararamdaman ko wala nang natira sakin. Ang isang taong pinagkatiwalaan ko niloko ako, si ate na pinag sasandalan ko sa tuwing hindi ako maayos nawalan. Si mama inalisan ako ng walang dahilan kung bakit.
Bakit lagi nalang ako nag e-expect, ang sakit sakit na!.
Naramdaman kong may humawak sa balikat ko, pag taas ko nang tingin ay agad akong tumayo saka ito sinampal. "Bakit ka nandito?" Malamig kong saad sakaniya.
"Let's talk Andrea, please" pag mamakaawa nito saka siya lumuhod sakin na para kong sinasanto. "Hindi na natin maayos yung nasira mo, wasak na wasak na ko Xavier!" Piyok kong aniya sakaniya.
Kahit na wala ng boses na lumalabas sa bibig ko ay pilit ko parin ito. "Umalis ka na, tapos na tayo ayoko ng makita ang pag mumuka mo".
"You haven't heard my explanations yet" malalim nitong tugon. "I don't need your fucking explanation!, umalis kana".
His faced turned into red with anger, "Andrea you know i love you that much, kaya hinding hindi ko magagawa iyon" sigaw niya sakin.
"Pinag katiwalaan kita, but you broke your promise again". Hagulgol ko saka napaupo.
Naramdaman ko nalang na umalis siya habang ako ay naka upo parin sa sahig.
YOU ARE READING
Play The Player Villa Juarez Series #1
RomanceVilla Juarez Series: Play The Player Xavier Villa Juarez he's smart, gentle to all woman but has secret. You don't know me well, Baby What will happened if she find out the secret of Villa Juarez?