Ngayon na ang libing ni ate pero di ko kayang pumunta, kaya sila tita Meda nalang ang pupunta ayokong makita si ate. Kailangan kong maging matatag dahil wala narin si mama.
Habang nag aayos ako ng gamit sa bahay ay, narinig ko ang kalabog sa pintuan at nakita ko si Kaliya, Ally "Andrea ano ba ang nangyayare sa'iyo?" malamig na saad sa'kin ni Ally hindi ko pinansin iyon, tuloy tuloy lang ang pag hahalungkat ko kahit wala naman akong hinahanap.
"Exam tomorrow tapos hindi ka papasok?, yung project mo bagsak, pati narin activity mo" bigla niya kong hinarap sakaniya. Kita ko ang pag aalala niya. "Puwede ko naman ibawi iyon next year" walang buhay kong aniya sakaniya "natatanga kana ba Andrea, graduated na tayo malapit na. Kaya hindi mo puwedeng ibawi iyon." Saad niya habang nakapa mewang.
"Alam naming mahirap ang sitwasyon mo ngayon, pero sana naman bumawi kana sa sarili mo. Si Nico at Adrian ang gumawa ng project mo na kanina binigay ni professor Bantugan" tugon naman ni Kaliya saka ko hinawakan sa kamay.
"Tinutulungan ka namin, pero sana naman tulungan mo rin sarili mo". Lukot na muka nito na naka tingin sakin. "Hindi pa katapusan ng mundo Andrea Montefalco, hindi matutuwa si ate Ande kung hindi ka makakapasa sa board exam, future architect kapa naman non" pag papaalala nila sakin.
Hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaluha saka nila ko niyakap. "Salamat, lagi kayong andiyan sa tabi ko kahit na minsan nasusungitan ko kayo" nanginginig kong aniya.
Kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko
pinag sabihan nila kong kung kailangan ko sila ay tawagan ko lang sila. I really love this 5 kahit sa katangahan mo yata ay sasamahan ka.Isang buwan ng mawala si ate at iwan ako ni mama, buti nalang ay nakapasok ako sa trabaho, nag working student ako dahil wala naman ng sumosoporta sa pag aaral ko.
Minsan minsan nalang ren ako sumasama sa aming mag babarkada dahil nang hihinayang ako sa pera. "Nakakapagod" bulong ko sa sarili
"Ihja, gusto mo ba mamili ng ice buko ko" biglang may nag alok saakin na matanda."Magkano po?" Aniya ko dito napangiti ito sa'kin saka ko naman ito ginantihan, "ang ganda mo ihja, kamukang kamuka mo ang apo ko" mahinang tawa nito. Kaya napakunot ang noo ko sakaniya. "Ano po ba ang nangyare?" Daldal ko rito, nanguha narin ako ng makakain sakaniya para makauwi na.
Bigla nalang itong umalis ng walang sinasabi sakin, hindi ko nalang tinanong at kinulit kung anong nangyare sa apo niya.
I was walking on the road to the house, sa tuwing paparating ako sa bahay na iyon ay bigla nalang naninikip ang dibdib ko, nagagalit ako kay mama pero hindi naman ganun kalalim.
"Ms Santiago and her sister" paulit ulit na bumabagabag sa aking utak imposibleng hindi namatay ang kapatid ni Ms Santiago. Kailangan kong malaman lahat tungkol sa hayop naiyon.
Habang nag aayos ako para sa graduation namin ay may napansin akong naka sulat sa cabinet ni mama kaya agad ko itong tinignan, "Dristan Juarez" Siguro ay naging crush ni mama ito tawa ko, kahit na walang aattend o aakyat sa stage ay kaya ko. Graduated na ko Cumlaude! this it is ate I made it.
"Picture tayo Andrea!" Aya sakin ni Kaliya habang hatak hatak niya si Adrian "Congrats again Andrea" masayang bati saakin ni Ally saka niya ko hinalikan sa pisnge.
Naka ilang take kami kasi sobrang likot ng boys at the back! Argh habang nag tatake kami ay may biglang nag tawag sakin. Azriel?.
"Congrats, Andrea Montefalco" ngiti nito saka niya inalok ang kaniyang kamay. "Sabi ni kuys" aniya nito saka tumakbo ng wala manlang naririnig sakin.
Ngayon ay kumakain kami sa labas ng mga depungal sabi ko ay nag Mcdo nalang kami, ang gusto nila ay maka tipid!.
"Ang sakit na ng paa ko!" Saad ko sakanila ang taas ng heels ko at kanina pa ko naka tayo. "Ito pre may dala kong tsinelas, kaso malaki ito" sabay abot sakin ni Nico.
Kahit papano ay may care naman pala ang taong ito. "Ano pala ang gagawin nyo pag tapos nito?, basta ko matutulog" biro ni Adrian.
"Hindi kaba mag tatrabaho?, pano yung mga anak mo?" Makahulugang aniya ni Cy kaya nabulunan ito at binigyan ng tubig ni Kaliya.
"I smell something" taas kilay ni Ally kaya nag tawanan kami, siya kasi ang pinaka bata saamin. "Yes Architect na ko!" maligalig kong saad, "F.A!" Sigaw naman ni Kaliya kaya nag cheers kami."Congrats sating lahat!" Biglang tayo ni Adrian at sinamahan naman ito nila Cy, mga gago talaga eh.
Mag hahapon na ng makauwi ako sa bahay, nanguha ko ng condo, para maliit lang ang nalilinisan ko. Kahit ayokong iwan ang bahay ay kailangan ko na para maging maayos na ko.
Kinakabahan ako habang papalapit ng office ngayon ako i-interview. Bakit pa kasi kailangan ng interview nyeta!.
May nauna saakin kaya umupo muna ko sa waiting area, "di niya bagay mag architect baduy" rinig kong bulong ng isang babae.
"Before you insult your neighbor, make sure you can lift yourself up" diin kong aniya kaya natahimik ito, siya namang lingon ko sakaniya bago ko siyang ngisian.
Masaya kong umalis sa opesina dahil natanggap ako!, kaya agad kong tinawagan si Ally para sabihin iyon.
"Congrats girl!, I know you can do it!"
Mangiyak ngiyak ako habang kausap ito, inaya niya kong lumabas mamaya para icelebrate. Sabi ko ay huwag na dahil gastos pa iyon.
YOU ARE READING
Play The Player Villa Juarez Series #1
Любовные романыVilla Juarez Series: Play The Player Xavier Villa Juarez he's smart, gentle to all woman but has secret. You don't know me well, Baby What will happened if she find out the secret of Villa Juarez?