Kabanata 7

96 69 0
                                    

Ansakit ng ulo ko, naramdaman ko nalang
na may bumukas sa pinto ng kwarto ko.
"Gising na pala ang baby girl ko, oh ano
masakit ulo mo yan ang sinasabi ko sayo
kung iinom ka ilang baso lang wag bote!"

"Ma ang aga lalong sumasakit ulo ko" dahilan ko pero di siya umalis binigyan niya ko ng tubig. "Si Xavier ang naghatid sayo dito, parakang sinaniban kagabi kung ano ano ang nalabas sa bibig mo" nagulat ako nang maalala
ang mga katarantaduhan kong sinabi sakaniya.

"Clean me now" "ang pogi mo" ahh tangina!
bakit ko ginawa yun?! antanga tanga baka isipin niya crush ko siya!.

"Hmm bakit inaalala mo? siya ang nag dala
sayo dito sa kwarto mo, di mo na kaya mag lakad pa eh".

"Ma dapat pinilit mo kong paglakarin!" Nakakahiya.

"Siya na daw ang bahala sayo, may tiwala naman ako sakaniya" naka ngiti pang sabihin iyun ni mama.

"Sabihin nyo gwapo lang" ni hindi panga niya lubos na kilala.

Bumaba na kami ni mama bago nag kwentuhan tungkol kagabi, hanggang ngayon
nahihiya parin ako sa mga pinag gagagawa ko at mga nasabi ko sakaniya.

Biglang may nag notif sa cp ko kaya agad ko
iyung kinuha.

From Xavier: Are you free tonight?

To Xavier: Di ko sure eh, why?

From Xavier: Ally texted me, may pag uusapan lang daw i don't know kung ano yun.

To Xavier: Sige try ko>

Ano naman kaya naisipan ng babaeng iyun
bakit gabi pa. Kumain na kami ni mama dahil pakiramdam ko nilabas ko lang lahat ng nakain ko kagabi.

"Ma aalis ako mamaya ha, nag aaya si Ally siguro sa bahay lang nila promise uuwi ako ng maaga" Tumango lang ito saka tinuloy ang pagkain.

Nag linis at nag laba lang kami buong maghapon dahil ilang araw nalang ay
bakasyon na, dito mag babakasyon sila
tita Lenlen kasama mga anak niya.

Sunod na ginawa namin ni mama ay ang kwarto niya napahinto ako sa pag lilinis
nang may makita kong litrato.

"Ma sino itong lalaki" matangkad ito at mukang
may lahi. "W-wala yan nak" biglang kinuha agad ni mama ang hawak ko.

"Ma sasabihin mo o kakausapin ko pa si tita Lenlen para malaman ko?" giit ko sakaniya.

Tinitigan ko lang si mama nang walang emosyon iba ang pakiramdam ko sa lalaking iyun. Kailangan ko ng paliwanag.

"N-nak, ano kasi" hihintay ko lang ang
mga sasabihin niya di ako nag salita.
"Nung sinasaktan ako ng papa mo, Diba nag hanap ako ng trabaho nun pero umalis rin ako dun."

"Iyan yung.. tumulong sa akin para makapag
College ka nung 1st yr mo pero walang namagitan sa amin nak hindi ko alam bakit
ang gaan ng pakiramdam ko sakaniya"

Saka ko ngumiti sakaniya "anong pangalan niya".

"Dristan Juarez" kumunot ang nuo ko
parang pamilyar sa akin ang pangalan na iyun
Di ko lang matandaan kung saan o kailan ko narinig.

"Pero minahal mo?" Tanong ko kay mama
nagulat pa ito nang itanong iyun.

"Siguro kaso may pamilya na, ayokong
maka sira ng relasyon ng iba kasi danas ko"
ngumiti ito nang mapait.

"Kung mag ka asawa ka dapat alam mo at kilalang kilala mo siya, kailangan kung hindi
man kayo magkaintindihan wag kayong magkakasakitan physical o salita man yan,
dapat matuto kayong mapangkumbaba nak.

"Noted ma'am" sumaludo pa ko sakaniya saka
ko kinurot sa tagiliran.

Tapos na kami sa ginagawa namin ni mama
kaya natulog muna ko gabi panaman ang lakad
ko kaya may oras pa ko matulog.

Play The Player Villa Juarez Series #1Where stories live. Discover now