Chapter 25

1.3K 72 29
                                    

Vaine Fleur

"Why did you do that?" gulat na tanong ko kay Ms. Yndrah matapos ko siyang itulak nang bumalik ako sa wisyo.

Oo, gusto ko siya pero may boyfriend siya eh. Ayokong makasira ng relasyon. Hindi ako ganung klaseng tao.

"Are you saying you didn't like it? Why? Who do you want to kiss you? Is it Snow Fuentabella?"
biglang dumilim ang mukha niya habang sinasabi niya iyon.

"What are you saying? Paano naman napasok sa usapan si Snow?" naguguluhan na tanong ko sakanya.

"You think I didn't know that she likes you?" walang emosyong sabi niya na ikinagulat ko.

Paano niya nalaman yun? Wala naman akong pinagsabihan maliban kina Sunny ah at mas lalong hindi naman ipagkakalat ni Snow iyon.

"W-wait, how did you know about that?" tanong ko sakanya.

"So it's true?" nakahalukipkip na tanong niya.

Napa-facepalm nalang ako sa utak ko nang ma-realize na hinuhuli niya lang pala ako.

"How dare you! You said you like me, yet you keep on flirting with that Fuentabella!" galit na sabi niya sa akin at akmang lalapitan nanaman ako kaya ako na ang kusang lumayo.

Baka halikan ulit ako eh, mahirap na. Ako na lalayo sa tukso.

Pero teka. Ako? Nakikipaglandian kay Snow? Kelan?

"What? Cat got your tongue? You can't say anything because it's true, right? Womanizer!" sigaw niya sa akin.

Ako? Womanizer? Aba!

"Teka lang po, ha. Last time I checked, I'm single and I can do whatever I want. And for your information, I'm not flirting with Snow. We're just friends. Tsaka ano po bang pakialam mo? Ikaw nga may boyfriend tapos hahalikan mo ako. Cheater ka ba, ma'am?"mahabang sagot ko sakanya dahil nakaka-inis yung pambibintang niya sa akin.

"What the hell are you saying? Me? A Cheater? Excuse me?" hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

In denial pa talaga. Kung ako boyfriend nito, masasaktan ako eh.

"Ay huwag mo na pong subukan gawin akong kabit. Itong mukhang 'to gagawin mong number two? No way!" sabi ko sakanya.

Nagbago naman ang ekspresyon niya mula sa pagiging galit ay napalitan ito ng walang emosyon.

"I don't have a boyfriend dumbass!" sigaw niya sa akin.

"Tingin mo po ba maniniwala ako? Wala po kayong maloloko dito." sagot ko sakanya.

"Do I look like I'm not serious?" inis na tanong niya sa akin.

Sandali naman akong natahimik at tinitigan lang siya kung nagsasabi ba talaga siya ng totoo.

"Eh sino yung lalaking palagi mong kasama? Bakit ka niya tinatawag na babe kung hindi mo siya boyfriend?" nagdududa kong tanong sakanya.

Bumuntong hininga naman siya tsaka umupo sa couch.

"He's the one that I'm talking about." tukoy niya sa pinag-usapan namin noon sa Canada.

"Oh see, edi boyfriend mo nga si---"

"Will you let me finish first?" inis na sabat niya nang magsalita nanaman ako.

Automatic naman na itinikom ko ang bibig ko dahil sa sama ng tingin niya sa akin.

"As I was saying, he's the man I told you about before, but we didn't get back together. Okay? So stop saying that I have a boyfriend. It annoys me." pag e-explain niya na may halong inis.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon