Chapter 9

1K 57 14
                                    

Vaine Fleur

Tanggap ko na ang kapalaran ko. Bahala na si Professor Xanther kung ano man ang sasabihin niya kay Daddy. Wala naman na akong magagawa dahil mali ko naman talaga.

"Vaine?" tawag naman ni Daddy sa akin at hinihintay ang sasabihin ko.

Lahat na ng tao sa table ay sa akin din ang atensyon at katulad ni Daddy ay hinihintay din ang sagot ko.

Tumingin ako kay Professor Xanther ng walang emosyon at pinapahiwatig na tanggap ko na at pwede na niyang sabihin kay Daddy ang ginawa ko.

Lumipas ang ilang segundo ay hindi pa rin ito nagsasalita at mariin lang na nakatingin sa akin at dahil gusto ko na matapos to ay huminga muna ako ng malalim bago binitiwan ang mga salitang siguradong magpapahamak sa akin.

"Daddy, I made a---"

"She made it to the Inter-University Medical Competition. She will be competing in Canada 2 months from now." putol ni Professor Xanther sa sasabihin ko sana.

"Really?" tanong ni Daddy na parang hindi makapaniwala.

"What?" gulat na tanong ko naman nang mag sink-in na sa akin ang sinabi niya na ikinatingin naman ni Daddy sa akin kaya agad kong binawi ang gulat sa mukha ko at pekeng umubo.

"I-i mean, really?" kunyaring masayang tanong ko kahit naguguluhan.

"Yes, the school chose Vaine to represent Hemsworth for the competition." sagot naman ni Professor Xanther.

"Well, that's a first. You're the one handling her, right?" sabi naman ni Daddy na ikinatango ng Professor ko.

"Yes, Doc. Don't worry, I'll make sure she learns everything she needs to know." sagot ni Professor Xanther habang diretso na nakatingin sa akin. "She'll be in good hands." dagdag pa nito at ngumisi ng nakakatakot sa akin na ikinalunok ko.

Good hands? Sure ka ma'am?

"A-ah, excuse me. Can I talk to you privately, ma'am? If that's possible." magalang na tanong ko sa Professor ko.

Nag-paalam naman muna ako kila Daddy bago sumunod kay Professor Xanther nang nauna na itong naglakad papunta sa hindi masyadong ma tao.

"What the hell was that?" kaagad na tanong ko nang makalapit ako sakanya.

"Watch your language, Alvarez." malamig na sambit nito habang nakatingin ng masama sa akin na sandaling ikinatahimik ko at ikina-iwas ko ng tingin sakanya.

"Your father is already disappointed in you, should I make it worse?" muling sambit nito na ikinabalik ng tingin ko sakanya.

"But why did you say that? Yes, I did manage to avoid his anger but not his expectations." bagsak ang balikat na sabi ko naman.

"It's true that you were chosen to represent the University. Also, why are you getting upset? I just saved you from your father's wrath. Kung tutuusin ikaw ang may kasalanan sa akin, but why does it seem like you're blaming me?" sumbat nito sa akin.

"I'm not blaming you, Professor Xanther. I just can't believe what you said earlier. I haven't done anything else but be a disappointment to our family. So that's a first." natatawa kong sabi sakanya.

"Then stop playing the victim. If you're tired of being a disappointment, start proving your worth. Your actions define you, not your self-pity. Own up to your mistakes and work on being better. Actions speak louder than empty words, Alvarez. Don't mess this one up." huling sabi pa nito bago niya ako lagpasan.

Bakit kasi ako? Ang dami namang ibang matatalino ako pa talaga ang napili nila. Bukod sa pagiging maganda wala naman na akong ibang maipagmamalaki.

"Vaine! Anong ginagawa mo jan?" napabaling ang tingin ko kay Rain na papalapit sa akin. "Tara doon sa table namin. Sinabi ko na kila Sunny na nandito ka." sabi nito kaya tahimik na sumunod nalang ako sakanya.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon