Chaper 17

1K 56 27
                                    

Vaine Fleur

"Vaine, we already told you to quit that job. We can help you naman eh." pangungulit ni Sunny habang naglalakad kami papunta sa next subject namin.

"I told you na din na okay na ako. Nag-eenjoy naman na ako kahit papaano. Saka ayokong iasa sainyo yung mga gastos ko no." pagtanggi ko naman sakanya.

"Just sell your cars, madami naman yun eh." sabat naman ni Rain.

"Hell no. Hindi ko gagalawin yun. Nagtatrabaho lang naman ako para may pang gastos ako for my monthly expenses." sagot ko naman.

Sa condo na kasi ako nag i-istay ngayon para makatipid since ako lang naman mag-isa. Akin naman yung unit kaya wala na akong dapat ipag-alala though my monthly fees pa rin naman akong binabayaran pero hindi naman ganun kalaki.

"May savings ka naman diba? Hindi ka naman maghihirap kung gagalawin mo yun." suggestion pa ni Storm na ikina-iling ko naman.

"It's for my tuition hanggang sa makatapos ako. Alam mo namang milyon ang gagastusin natin dito." sagot ko naman.

Napatingin ako kay Snow na kanina pa tahimik habang nakasunod sa amin. Alam kong nagtatampo pa rin 'to sa akin dahil sa nangyari noong mga nakaraang araw. Hindi na din kasi namin na bring up ulit yung topic na yun sa dami ng nangyayari.

Sinadya kong bagalan ang paglalakad ko para masabayan ko si Snow. Napatingin naman ito sa akin nang mapansin niyang sinasabayan ko siya.

"Snow, sorry na kasi. Hindi ako sanay na hindi tayo nagpapansinan." sambit ko sakanya pero tiningnan lang ako nito saka muling itinuon ang tingin sa harap.

"You know naman na I appreciate everything na tinutulong niyo sa akin and I'm always grateful for that. Ayoko lang talagang iasa sainyo lahat. I don't want to cause any of you a trouble or inconvenience." pagpapaliwanag ko sakanya.

Tumingin naman siya sa akin at bumuntong-hininga.

"It's fine, I understand. I just wanted to help and I don't see it as trouble at all. But I respect your decision. Just know that I'm always here for you if you ever need anything." sagot naman ni Snow saka ako tinapik sa balikat na ikinangiti ko.

"Thank you, Snow. I'm okay knowing that you all have my back." sabi ko sakanya.

Inakbayan ko siya saka inilapit sa akin na parang naka-side hug ako. Medyo nagulat pa siya sa ginawa ko pero nakita ko namang bahagya siyang ngumiti at inilagay din ang kamay niya sa bewang ko. Ganun ang posisyon namin hanggang sa makarating kami sa room.

Nagulat ako nang pagkapasok namin dahil nandoon na si Ms. Yndrah. Napatingin ito nang pumasok kami ni Snow at hindi ko alam kung bakit pero napahiwalay ako ng yakap nang makita kong nakatingin ito sa kamay ni Snow na nasa bewang ko. Agad naman siyang umiwas ng tingin pagkatapos non at itinuon ang tingin sa laptop nito.

Napatingin ako sa relo ko dahil baka late talaga kami pero may five minutes pa naman bago yung time namin sa subject niya. Nagkibit balikat nalang ako tsaka pumunta sa upuan ko.

"Is everyone here?" tanong ni Ms. Yndrah sa amin.

"Yes, ma'am." sagot naman nilang lahat kaya nag-start na siyang magturo sa amin.

Buong klase ay nakatulala lang ako dahil sa pagod at puyat na nararamdaman ko. Ikaw ba naman mag-aral hanggang madaling araw tapos may trabaho at pasok pa sa umaga. Minsan nga hindi na ako natutulog at kape nalang talaga ang  pang gising ko.

Now, I know how hard life is. I thought that everything is going well and then it just ends up falling apart again.

"That's all for today. Class dismissed." napabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang sinabi ni Ms. Yndrah kaya agad akong nag-ayos ng gamit.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon