Chapter 33

2.7K 93 67
                                    

Vaine Fleur

Nagising ako nang parang may mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Pagmulat ko ng mata ay agad akong napangiti nang makitang braso pala ni Yna ang nakapulupot sa katawan ko.
Hindi muna ako gumalaw dahil baka magising siya kaya kahit nangangalay na ako sa pwesto ko ay tiniis ko.

Muli akong pumikit at tahimik na nagdasal katulad ng palagi kong ginagawa. Mabuti nalang talaga at maganda ang tulog ko at hindi ako nanibago. Pagkatapos kong magdasal ay nag sign of the cross lang ako saka muli na akong nagmulat at tumingin sa gilid ko. Nagulat pa ako nang makitang gising na pala si Yna at nakatingin lang siya sa akin.

"Gising ka na pala. Good morning." sambit ko na may ngiti sa labi.

"Hmm. Morning." inaantok na sagot naman niya saka humiwalay na ng yakap sa akin.

Napamura pa ako sa isip ko nang marinig ang boses niya na bagong gising. Bedroom voice lang kasi at raspy pa kaya nakaka-akit talaga.

Tila bumalot sa buong pagkatao ko ang lambing at init ng boses niya na bagong gising. Para bang ang bawat salita niya ay kumakapit sa akin, at kahit sa simpleng 'morning' niya lang, nagiging espesyal sa pandinig ko.

"Let's get up so we can eat breakfast downstairs." sabi pa niya at nauna nang bumangon pero umupo muna siya sa kama.

Habang ako ay nagpagulong-gulong muna at nag-unat dahil ayaw ko pa talagang bumangon. Parang hinihila kasi ako ng kama na matulog pa ulit.

"Vaine." tawag ni Yna sa akin nang makatayo na siya habang tinitingnan ako.

Iniabot ko naman ang kamay ko para sana hilahin niya ako pero imbes na ako ang tumayo ay siya pa ang natumba at ang ending ay bumagsak siya sa ibabaw ko.

"Kulit." inis na sabi niya saka hinampas ang braso ko.

Natawa naman ako dahil umagang-umaga ay mainit na agad ang ulo niya sa akin.

"Morning hug." sabi ko naman saka siya niyakap ng mahigpit.

"Weren't you satisfied hugging me all night?" tanong niya saka ini-angat ang ulo para tingnan ako.

"Hala, ako daw. Sino kaya ang nakayakap sa akin ng mahigpit kanina na parang sawa? Kulang na nga lang daganan mo ako eh." sagot ko sa kanya.

"For your information, you were the one who hugged me first last night. Don't be so full of yourself." sagot niya naman saka ako sinamaan ng tingin.

"Weh? Nasaan ebidensya mo na ako ang nauna?" pang-aasar ko pa sa kanya.

"Nakakainis ka." inis na sabi niya sa akin at muli akong hinampas saka tumayo na.

"Uy first time. Nagtatagalog ka na kapag naiinis ha. Good sign." nakangiti kong sabi na mas lalo niyang ikina-inis.

Padabog siyang umalis sa harap ko at pumunta ng banyo. Napatawa naman ako dahil sobrang bilis niyang mapikon.

Hindi muna ako bumangon at hinintay siyang lumabas ng banyo dahil maghihilamos din ako. Ilang sandali pa ay lumabas na siya pero masama pa rin ang tingin na ipinupukol niya sa akin.

"Wag na gagalit ang baby ko na yan. Dali na, kiss na." suyo ko sa kanya saka ako lumapit pero hindi ko pa rin mapigilan ang matawa dahil mas lalo ata siyang nagalit.

Inirapan niya lang ako saka binato sa akin ang towel na hawak niya.

"Shut up, Vaine. Hurry up and get ready. I'm hungry." nawawalan na ng pasensya na sabi niya sa akin.

"Sure ka ayaw mo ng kiss ko?" tanong ko ulit.

Napatakbo ako sa banyo nang makitang hinablot niya ang maliit na vase sa gilid at akmang ibabato sa akin.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon