Chapter 1

1.5K 65 19
                                    

Vaine Fleur

"Vaine! I'm still talking to you! Come back here!" galit na sigaw ni Daddy pero hindi ko siya pinansin at dire-diretsong pumasok sa bahay.

"Don't you dare turn your back on me, young lady." galit na sabi ni Dad at marahas akong hinawakan sa braso para paharapin sakanya.

"Dad, I told you may binili lang ako sa labas." naiinis na sagot ko sakanya kaya mas lalong dumilim ang mukha nito.

"May binili? Sinong niloko mo? Sawa na ako sa mga palusot mo, Vaine. Lahat ng klase ng pagpapasensya ibinigay ko na." sambit nito.

Here we go again.

Inumaga na naman kasi ako ng uwi dahil may karera ako kanina at nalaman iyon ni Daddy kaya ngayon ay galit na galit ito dahil grounded ako last week pa. School at bahay lang sana talaga ako pero tumakas ako nang tumawag yung kaibigan ko. Malaki kasi yung pusta kaya pinalagan ko na.

"Sa oras na maulit to, pasensyahan tayo. Huwag mong ubusin ang natitira kong pasensya, sinasabi ko sayo. Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." banta nito pero hindi ko siya pinakinggan at dire-diretsong pumunta ng hagdan para umakyat sa kwarto ko.

Fvck this life. For God's sake, I'm already 22 years old pero kung tratuhin nila ako ay para akong high school. When will I be able to decide for myself?

Agad akong napasalampak sa kama at doon ko lang naramdaman ang pagod ko. Mamayang 1pm pa naman ang klase ko at 6am palang ng umaga kaya medyo makakatulog pa ako. Hindi na ako nag-abalang mag-bihis dahil tinatamad at inaantok na talaga ako.

Agad naman akong nilamon ng dilim at nagising nalang dahil sa ingay na nanggagaling sa cellphone ko. Nang tingnan ko ay may tumatawag pala kaya naiinis na sinagot ko ito at ready na sanang murahin kung sino man to.

"Hoy Vaine! Nasaan ka na? Male-late ka na tanga, may pagka-strict pa naman daw yung bagong Professor natin." bungad ni Sunny sa akin kaya lihim akong napamura at agad pinatay ang tawag saka dali-daling tumayo para makaligo na. Muntik pa akong madapa nang maapakan ko yung kumot ko nang tumakbo ako papasok ng CR. Pagkatapos mag-ayos ay agad na akong umalis at pumunta papunta ng University.

Kahit naman pasaway ako at sakit sa ulo, hindi ko dinadamay ang studies ko. Nag-aaral pa rin ako ng mabuti and Dean's lister din naman ako kahit papaano.

"Shit, malabo na akong maka-abot nito." mura ko nang makita ko ang oras sa relo ko. 10 minutes na akong late pero papasok pa rin ako at magbabakasakaling palalampasin muna ng bago naming Professor yung pagiging late ko ngayon.

Pagkarating sa labas ng classroom ay huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pintuan.

Agad naman iyon nagbukas at bumungad sa akin ang isang magandang babae na seryoso ang mukha at nakatingin ng masama sa akin. Mukhang naistorbo ko yata ang pagka-klase niya. Bahagya pa akong natulala habang nakatingin sa kabuuan niya. She's wearing a V-neck chiffon black long-sleeve na pinartneran niya ng black plain pencil skirt at stilleto.

"Done checking me out?" tanong nito kaya napa-ayos ako ng tayo at saka tumikhim.

God, nakakahiya ka Vaine.

"G-good afternoon, Professor." bati ko sakanya.

"Last name?" tanong niya sa akin.

"A-alvarez po." sagot ko naman.

"You're 20 minutes late, Alvarez. You cannot enter my class." sabi niya kaya bagsak ang balikat na tumingin ako sakanya.

"Pero Prof, this is the first time na nalate ako. Give me a chance, please. Promise po, last na po 'tong pagiging late ko." pakiusap ko saka itinaas ang kanang kamay ko na parang nanunumpa.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon