Chapter 4

916 54 17
                                    

Vaine Fleur

"Okay, 20 minutes break girls!" sambit ni Ma'am Gonzales kaya nakahinga ako ng maluwag dahil kanina pa sumasakit ang paa ko dahil sa pabalik-balik na rampa namin sa stage.

Ngayon kasi ang practice nang lahat ng representative para sa pageant dahil na move daw yung event kaya medyo nagmamadali na kami ngayon.

"Kaya pa ba?" tanong ni Sunny nang makalapit ako sa pwesto nila.

Nandito silang apat para manuod ng practice dahil wala na din naman kaming klase.

"Ang sakit na ng katawan ko." nakasimangot na reklamo ko saka umupo sa tabi ni Snow. Inabutan naman niya ako ng tubig na ikinasalamat ko dahil kanina pa nanunuyo ang lalamunan ko.

"Dito nalang tayo tumambay palagi, ang daming magaganda." sambit ni Storm habang busy kakatingin sa paligid or should I say sa mga babaeng magaganda sa gilid.

"Susumbong kita sa girlfriend mo." sabi ko sakanya.

"Wala na kami nun, single and ready to mingle na ulit ako ngayon." ngising sagot naman niya habang itinataas baba ang kilay.

"Naka-ilang girlfriend ka na ngayong buwan, Storm ha. Ikaw, ginagawa mong laro ang babae." sermon ko sakanya.

"Kasalanan ko bang gwapo lang talaga ako at habulin? Saka sumusunod lang ako sa bible bilang isang mabuting Kristiyano." depensa naman niya at pinagsiklop pa ang mga kamay habang nakatingin sa taas na parang nagdadasal.

"Ano naman ang kinalaman ng bible sa pambabae mo ha?" tanong ni Sunny.

"Ang sabi kasi sa Gospel of John 13:34, love another one." sabi nito na ikinatahimik naming lahat.

Huh? Ano daw? Sinabi sa bible yun?

"It's love one another, dummy." walang emosyon na sabi ni Snow kaya napa- face palm kaming lahat.

"Bobo." sabi ni Sunny.

"Tanga." sambit ko naman.

"Inutil." sabi naman ni Rain saka tinawanan si Storm.

"Ay ganun ba yun, mali ata ako ng pagkakabasa." sagot ni Storm habang kinakamot ang ulo na ikina-iling nalang namin.

"Alvarez." tawag ni Professor Xanther sa akin na ikinatingin naming lahat sakanya.

Agad naman akong tumayo at lumapit kay ma'am na naka-halukipkip na nakatayo habang nakatingin sa akin. Ang ganda talaga niya, nakakainis.

"Yes po?" tanong ko sakanya nang makalapit ako.

"Do you already have talent?" tukoy nito ang para sa pageant.

"Bukod sa pagiging maganda, wala na po eh." sagot ko naman na ikinasama ng tingin niya kaya napa-labi ako.

Totoo naman kasi.

"Funny." sabi niya at ngumiti ng peke saka ito sumeryoso. "Do you sing?" tanong niya

"A little bit po." sagot ko naman.

"Follow me." sabi naman niya saka tumalikod at nauna nang maglakad.

Bago sumunod ay sumenyas muna ako sa mga kaibigan ko na aalis ako bago tuluyang naglakad papunta kay Professor Xanther.

"Do you know how to play this?" tanong ni Professor Xanther saakin sabay turo ng gitara nang makapasok kami sa music room.

"Yes po." sagot ko naman saka pumunta sa gitna ng mini stage para umupo sa stool na nasa gitna.

"Show me." sabi nito saka ini-abot sa akin ang gitara.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon