Chapter 16

956 72 22
                                    

A/N: Ang hindi mag vote walang UD na matatanggap HAHAHAH mag vote kasi kayo para ganahan akong mag UD T_T

Vaine Fleur

"Caramel Macchiato for Dave!" naiinis na ako dahil kanina pa ako paulit-ulit na tinatawag ang pangalan na Josh pero wala pa ring lumalapit sa counter para i-claim yung order.

Pagkatapos ng sagutan namin ni Ms. Yndrah last week ay nagkasundo kami na tutulungan niya ako para magkatrabaho at para na rin daw makabawi siya sa akin kaya heto ako naging instant barista sa coffee shop na pagmamay-ari niya.

Gusto niya pa nga na sa isang business niya ako mag-trabaho which is nasa office lang ako at gagawa ng paperwork pero tumanggi ako. Sumasakit na nga ang ulo ko sa kakabasa ng makakapal na libro araw-araw eh tapos sa trabaho yun pa rin ang kaharap ko?

Pinili ko nalang mag-trabaho sa coffee shop dahil ito yung mas malapit sa University tsaka for new experience na din.

"Hi, is my order ready?" nakangiting tanong ng lalaking naka formal suit sa akin.

"Name po?" tanong ko naman sakanya.

"I'm Dave." sabi niya kaya pasimple akong napa-irap nang sabihin niya ang pangalan niya.

Kanina pa ako tawag ng tawag sa pangalan niya tagal pa lumapit. Bingi ata 'to eh.

Gosh, hindi talaga ako pwede dito. Ang ikli pa naman ng pasensya ko.

"Here's your coffee, sir. Have a good day po." sabi ko saka pekeng ngumiti at inabot ang kape niya.

Napansin ko namang nakatitig lang siya sa akin at parang walang balak na kunin yung order niya.

"Sir?" pagkuha ko sa atensyon niya dahil nangangawit na ang kamay ko.

"Oh sorry. Bago ka lang ba dito? Palagi kasi ako bumibili dito pero ngayon lang kita nakita." tanong niya saka kinuha yung kape na inaabot ko.

"Yes po." sagot ko kahit nauurat na talaga ako.

"What's your name?" tanong ulit niya.

Ang kulit naman ng lahi nang isang 'to. Nababadtrip na ako. May name plate na nga na nakalagay sa uniform ko hindi pa basahin eh.

"May order pa po ba kayo? May nakapila pa po kasi sa likod." sagot ko at hindi pinansin ang tanong niya.

"Are you single?" hindi nito pinansin ang sinabi ko at patuloy pa rin ang pangungulit sa akin.

Napatigil naman ako sa ginagawa ko saka siya tiningnan ng walang emosyon para maramdaman niyang hindi ako interesado at wala akong pakialam sakanya.

Pero ang siraulo hindi ata makaramdam dahil mas lumaki pa ang ngiti nito saka mas lalo pang nagpa-cute sa akin.

"V, ako na muna jan. Asikasuhin mo muna yung order dun." sambit ni Ivy sa akin saka ako nilapitan at tiningnan ng makahulugan dahil napansin niya atang naiinis na ako sa lalaking kaharap ko ngayon.

Mahina naman akong nag thank you sakanya saka umalis na para gawin ang order ng isang customer.

"Ganda mo talaga, girl. Kaya mas dumadami customer natin dahil sayo eh." natatawang sabi ni Daine sa tabi ko.

"Bakit ako?" tanong ko naman habang patuloy pa rin sa pag gawa ng kape.

"Hindi mo ba alam? Ikaw binabalikan ng mga 'yan. Palagi kaya nilang tinatanong yung pangalan mo sa amin." sagot naman niya na ikina-iling ko lang.

Sakto namang tapos na ang ginagawa kong kape nang mapatingin ako sa pinto nang tumunog ito palatandaan na may pumasok na customer.

Si Ms. Yndrah at may kasama siyang lalaki.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon