Chapter 14

976 56 19
                                    

Vaine Fleur

"Dahan-dahan! Putang---" sigaw ko nang bilisan ni Rain patakbuhin yung wheelchair na sinasakyan ko.

"Bakit kasi gumamit ka pa nito eh kamay mo naman yung may bali." sabi niya saka binagalan na ang pagtutulak.

"To make it more dramatic?" patanong na sagot ko naman habang palabas kami ng hospital.

Na discharge na kasi ako ngayon kaya pwede na akong umuwi. Finally, after 1 week nakalabas na din. Sawang-sawa na ako sa amoy ng hospital eh. Pero may isa akong ma mi-miss.

Si Dr. Yndrah.

Siya ang nag-alaga sa 1akin simula nang magising ako hanggang sa ma discharge ako. Sobrang hands on niya sa akin, hindi na nga niya halos pinapatulong ang mga nurse kapag may kailangan ako eh. Siya na mismo ang gumagawa kahit hindi naman niya na yun trabaho.

I'll surely miss how she takes care of me.

Kaunti nalang talaga iisipin ko nang may crush siya sa akin eh.

Charot. Apaka delusional ko sa part na yun ha.

Pero malay natin diba? •_~

"Ikaw ba yung sumigaw?" tanong ni Sunny pagkarating namin sa kotse.

Nauna na kasing bumaba ang tatlo para ihatid yung mga gamit ko.

"Siraulo kasi 'tong kapatid mo eh." sisi ko naman kay Rain.

"Oh umalis ka na jan, masyado ka nang nag-eenjoy eh." sabat ni Storm saka ako tinulungang makatayo sa wheelchair.

Inalalayan nila ako papasok ng kotse dahil limitado pa talaga ang galaw ko gawa ng meron pa ring nakakabit na cast sa braso ko.

"Hindi ba libre yun?" tukoy ko sa wheelchair.

"Pwede mo namang iuwi, sainyo naman 'tong hospital eh." sagot ni Sunny.

"Wag na, pagalitan pa ako eh." sagot ko naman.

"Ay nakalimutan kong bumili ng gamot mo. Nasayo ba yung reseta mo? Akin na, bili nalang tayo sa madadaanan nating pharmacy." sabi ni Sunny

"Naka'y Dr. Yndrah yung reseta. Siya nalang daw bahala bumili sabi niya kanina eh." sagot ko naman.

"Dr. Yndrah? Wow, first name basis." tukso ni Storm sa akin.

"Sabi niya yun itawag ko eh." kibit balikat ko namang sagot.

"Baka iba na yan ha. As far as I know, doctors are not obligated to run personal errands for patients or provide non-medical assistance beyond the scope of their professional duties." tukso din ni Rain.

"Ay mas lalong hindi trabaho ng doktor na pakainin, alagaan at samahan buong linggo ang pasyente niya." segunda naman ni Storm na ikinatawa ng tatlo except kay Snow na tahimik lang na nagda-drive.

"Sinasabi niyo jan?" nagtataka kong tanong sakanila.

"You don't realize it do you? It's okay, you'll figure it out soon." ngiting ngiti namang sabi ni Sunny sa tabi kaya mas lalo akong naweirduhan sa sinabi niya.

"Huy, change topic na nga. May umuusok na ang ilong jan." sabat ni Storm sabay ubo ng peke at tumingin sa gawi ni Snow na nakatingin din pala sa rear-view mirror.

Masama siyang nakatingin kay Storm dahil sa sinabi ng isa.

"Tama, change topic. Ayokong bumalik sa hospital ng 'di oras." sabi ni Rain na nakatingin din kay Snow.

"Punerarya kamo ang diretso natin." sabi naman ni Storm.

"Ang weird niyong lahat ngayon." sabi ko na ikinatawa lang nila.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon