Chapter 28

1.5K 80 48
                                    

A/N: Medyo natagalan ang UD dahil nagkasakit ako kaya hindi agad ako nakapagsulat. Anyways, thank you for patiently waiting! Yung mga palaging nagmamadali naman jan habaan niyo pa pasensya niyo HAHAHAHA
-X

Vaine Fleur

"Good morning." nakangiting bati ko nang makapasok ako sa office ni Ms. Yndrah.

Naabutan kong may ginagawa ito sa laptop niya. Nagtataka naman niya akong tiningnan habang papalapit ako sa kanya.

"Why are you here?" tanong niya sa akin nang makalapit ako.

"Visiting you, of course. And I brought you some breakfast too. Ako nagluto niyan." sagot ko sa kanya saka inilapag sa harap niya ang dala kong pagkain.

Gumising talaga ako ng maaga para magluto ng breakfast para sakanya. Mamayang 10 am pa start ng klase ko pero 8 am nandito na ako sa University para puntahan siya.

Siyempre manliligaw duty eh, need natin ng pogi points.

"What's that?" tukoy niya sa laman ng tupperware na dala ko.

"Beef with broccoli. Mamaya na yan, kumain ka muna." sabi ko sakanya.

Isinara naman niya ang laptop niya saka kinuha ang pagkain at binuksan.

"Smells good. I already had breakfast at home earlier, but I will eat again." sambit niya.

"Hala, kumain ka na pala? Okay lang naman na huwag mong kainin. Baka busog ka na." sabi ko sakanya.

Well, kasalanan ko din naman. Hindi ko kasi sinabing bibisitahin ko siya ngayon at dadalhan ng pagkain.

"Nah, you made an effort to cook for me. I'll eat it." sagot niya saka nag-umpisa nang tikman ang dala ko.

Pinigilan ko namang ngumiti dahil sa sinabi niya.
I'm happy because my effort didn't go to waste.

"It's good. Are you sure you cooked this?" nagdududa niyang tanong sa akin.

"Oo nga. Bakit parang nagdududa ka?" tanong ko sakanya.

Walang bilib sa akin 'to guys.

"It taste like it came from a restaurant." sabi naman niya.

"I'll take that as a compliment." sagot ko naman at mahinang tumawa sa sinabi niya.

Nakangiti lang akong nakatingin sa kanya habang kumakain. Mukhang na e-enjoy niya naman ang food na niluto ko dahil marami ang nakain niya.

"Thank you for the food. It's good." sambit niya nang matapos siya kumain.

"Mabuti naman at nagustuhan mo. Tambay muna ako dito kasi 10 am pa naman yung first class ko eh." sabi ko sakanya.

"My office is not a hangout place." sagot niya saka tumayo na at itinapon sa basurahan ang pinagkainan niya.

"Eh wala naman akong pupuntahan eh. Ayoko sa cafeteria masyadong maingay dun. Ayoko din sa library kasi masyadong tahimik. Kaya dito nalang muna ako." rason ko naman sakanya.

Tsaka sila Sunny kasi mamaya pa yun papasok. Tulo laway pa nga ata ang mga iyon sa sarap ng tulog eh.

"Check those papers then." turo niya sa tumpok ng papel sa gilid.

Napasimangot ako nang makita kung gaano iyon kadami.

"Let me remind you, Ms. Yndrah, that I'm no longer your assistant." sabi ko sakanya pero pabiro lang naman.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon