Vaine Fleur
"I like you, Vaine. And I will court you." mahangin na sambit ng lalaking bigla nalang sumulpot sa harap ko habang kumakain kami sa cafeteria.
"Good taste." naka-ngiti kong sabi sakanya na tumatango tango habang pinupunasan ang bibig ko saka tumingin sakanya.
"But no chance." agad na bawi ko saka sumenyas na umalis na siya sa harap ko.
Nawala naman ang ngiti nito sa labi pagkasabi ko nun.
"Why? I'm handsome, famous and rich. I have everything you are looking for." pagmamalaki pa nito.
Men, smh.
"Umalis ka nalang bro, wala kang mapapala jan." sabat ni Rain na parang naiinis na din sa kayabangan ng lalaki na nasa harap namin ngayon.
"Bakit? Sino ka ba't nangingialam ka?" maangas na tanong ng lalaki.
Para namang nagpanting ang tenga ni Rain kaya tumayo ito na agad namang pinigilan ni Sunny pero hindi pa rin ito natinag.
"Sino ako? Ako lang naman ang babangas jan sa pagmumukha mo kapag hindi ka pa umalis." masama ang tingin na sambit ni Rain sa lalaki.
Lumapit naman ang mga kaibigan ng lalaki at pumunta sa likod nito na parang handa na sa gulo kung sakaling may gagawin si Rain.
"Tama na yan, kung ako sainyo umalis na kayo. Ayaw namin ng gulo." mahinahong sabi ni Sunny habang pilit na inilalayo si Rain.
"Ano? Wala ka pala eh." maangas na sabi ni Rain nang hindi nakapag-salita ang lalaki.
"May araw ka din." masama ang tingin na sabi ng lalaki habang palabas ng cafeteria.
"Ang yabang ng gago, pag 'yon pinatulan ko mang-hihiram talaga yun ng mukha sa aso." inis na sabi ni Rain saka bumalik sa pagkaka-upo.
"Kumalma ka nga,Rain. Hindi lahat dinadaan sa init ng ulo ha." sita ni Storm sa kapatid.
"Ang yabang eh, akala mo kung sino." sambit ni Rain habang sinusundan ng masamang tingin ang grupo ng mga lalaking naglalakad sa labas.
"Isumbong mo sa amin kapag ginulo ka ulit ng hinayupak na yun Vaine." sabi ni Rain.
"Sa tingin mo ba hindi ko kaya ang mga 'yon? Hindi ko lang pinatulan kanina kahit naiinis na ako dahil ayoko ng gulo at tinatamad ako. Isa pa nasa University tayo, mahirap na mabigyan ng sanction." sagot ko naman sakanya.
"Vaine Alvarez? Pinapatawag ka ni Ma'am Xanther sa office niya." sabat ng kung sinong estudyante sa likod ko at agad na umalis.
Tumayo naman ako kaagad kahit hindi ko pa nauubos ang kinakain ko.
"Sibat muna ako guys, mamaya nalang." paalam ko sakanila saka lakad takbo na itinungo ang office ni Professor Xanther.
Hindi ko alam pero parang na excite akong makita siya ulit. Isang linggo ko din kasi siyang hindi nakita dahil may seminar sila sa Cebu at kakabalik lang niya.
"Good afternoon, Professor Xanther." masigla kong bati pagkapasok ko sa office niya.
"There's nothing good in the afternoon, Alvarez. Sit down." masungit na sabi nito. Mabilis lang ako nitong tiningnan saka ibinalik ang tingin sa laptop niya.
"Bakit po? Ang init naman ata ng ulo mo ngayon." nagtatakang tanong ko saka sinunod ang sinabi niya na umupo.
"Bakit naman hindi iinit ang ulo ko kung hindi ka pumupunta sa practice niyo. Seriously, Alvarez?" inis na sabi nito sa akin.
"Eh sorry na Ma'am, may inaasikaso kasi ako eh. You know, med student sobrang busy." kagat labi na rason ko kahit ang totoo ay hindi lang talaga ako pumupunta dahil nga wala siya.
BINABASA MO ANG
What Are The Chances? (ProfessorXStudent)
FanfictionYndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echoes through the academic halls. However, beneath her calm facade, a surprising twist emerges. A tale...