Vaine Fleur
"Are you ready?" rinig kong tanong ni Ms. Yndrah sa akin na sinagot ko naman ng isang tango lang.
Nandito na kami ngayon sa sasakyan papunta sa university kung saan gaganapin ang competition. Parang kahapon lang kinakabahan pa ako ah pero ngayon wala na akong maramdaman.
Ganito ba talaga kapag heartbroken? Wala ka nang pakialam sa lahat. Gusto ko nalang matapos na 'to para maka-move on na ako dahil hindi ko magagawa yun kung palagi kong kasama ang dahilan kung bakit ako nagkaka ganito.
"Alvarez, are you listening?" napabalik naman ako sa wisyo nang marinig ko si Ms. Yndrah.
"Ano po yun?" tanong ko sakanya.
Tiningnan niya lang ako na parang binabasa kung ano ang nasa isip ko.
"Are you okay? You've been like that since yesterday. Do you have a problem or what?" tanong niya sa akin na ikinailing ko naman.
"Wala po." maikling sagot ko sakanya.
"Are you sure? Because it may affect your performance later." paninigurado niya.
Right. Why did I even think she was concerned about me? Of course, it's always for the competition.
"I'm okay, Ms. Yndrah. Don't worry, I'll make you proud." sarcastic na sagot ko at sakto lang para hindi niya mapansin.
Buong byahe ay tahimik lang akong nakatingin sa bintana habang tinitingnan yung mga nadadaanan namin. Hindi na din naman ulit ako kinausap ni Ms. Yndrah dahil busy din siya sa phone niya.
"We're here." anunsyo ni Ms. Yndrah kaya agad na akong nag-ayos bago bumaba ng sasakyan.
Napapatingin ako sa bawat nadadaanan namin dahil iba't ibang lahi ang nakikita ko sa kada sulok ng University. Pumunta muna kami sa office kung saan magpa-pasa ng requirements bago dumiretso sa Assembly Hall kung saan gaganapin ang competition.
"Are you nervous?" tanong ni Ms. Yndrah sa akin pagkaupo namin.
"Hindi naman po." sagot ko habang inililibot ang mata sa loob ng Assembly Hall.
"Aren't you hungry? You didn't eat breakfast earlier." tanong ulit nito sa akin na ikinailing ko lang bilang sagot.
"We can go to the cafeteria so you can buy food. Mamaya pa naman mag s-start."
"I'm okay, Ms. Yndrah." pagputol ko sa pagsasalita nito. Bahagya pang umiba yung tono ng boses ko na dahilan para magulat siya.
Pero agad ko namang na realize yung ginawa ko kaya mahina akong nag-sorry saka umiwas ng tingin at yumuko nalang.
"Gosh, Vaine, this is so not like you. Umayos ka nga." sermon ko sa sarili ko.
"We'll talk after this, Alvarez. I don't like your attitude today. You're making me feel clueless here. I don't remember doing anything wrong to you." sambit ni Ms. Yndrah ngunit nanatili lang akong tahimik dahil guilty ako sa sinabi niya.
Ilang sandali pa ay nag-umpisa na din ang competition at isa-isa nang tinatawag ang mga participants galing sa iba't ibang school.
"Last but not the least, representing Hemsworth University from the Philippines, we have the remarkable Vaine Fleur Alvarez. Accompanying her is her mentor, Dr. Yndrah Alaianth Xanther." pagpapakilala ng host.
Agad naman akong tumayo at pumunta na sa gitna kasama ang iba pang participants. Medyo na a-awkwardan lang ako sa tingin na ibinibigay ng lahat sa akin habang naglalakad ako.
Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Charot.
Bago mag-start ang competition ay sinabi muna sa amin ang rules and mechanics. Nang masiguradong naiintindihan na ng lahat ay nag-umpisa na ang competition.
BINABASA MO ANG
What Are The Chances? (ProfessorXStudent)
FanfictionYndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echoes through the academic halls. However, beneath her calm facade, a surprising twist emerges. A tale...