Vaine Fleur
"Do it again. I'm still not satisfied." pagod na bumalik ako sa pwesto ko at muling inulit ang pasarela na pinapagawa niya saakin. Hindi naman ako makapag-reklamo kahit kanina pa sumasakit ang mga binti at paa ko. Ngalay na din ang bibig ko kaka-ngiti.
1 week na akong nagpa-practice pero hindi ko pa rin makuha ang tamang tyempo sa lakad ko at minsan ay natatapilok pa rin ako. Ikaw ba naman mag-suot ng 7 inches na heels. Next week ay kailangan ko na mag-practice kasama ang iba pang mga candidates ng iba't ibang Department.
"Focus, Alvarez. Don't look at your feet when you're walking. You will not stumble as long as you walk right." saway ni Ma'am sa akin nang mapansing panay ang tingin ko sa ilalim.
"Ayoko na, Ma'am. Pagod na ako." reklamo ko at dumiretsong umupo sa couch nang makarating na ako sa dulo.
Inalis ko ang heels na suot ko saka hinilot ang paa ko. Ang sakit, tangina kasing heels yan mas mahaba pa sa ano nung ano. Basta yun na yon.
"Fine. 30 minutes break, then you'll continue." sabi nito saka kinuha ang cellphone niya.
"What do you want to eat?" tanong nito na ikinaliwanag ng mukha ko.
"Lilibre mo 'ko ma'am?" masayang tanong ko.
"No. I'll order, you'll pay." sabi nito kaya nawala ang ngiti sa mga labi ko at napalitan iyon ng simangot.
"Isang cheeseburger tsaka coke nalang yung akin ma'am." sabi ko sakanya na ikinatango niya.
Ano ba yan, akala ko libre na.
Ilang sandali pa ay dumating na ang order namin kaya tumayo na din ako dala ang wallet ko para sundan si Ma'am. Nang dumating ako ay nakasara na ang pinto at bitbit na nito ang order namin.
"Akala ko po ba ako ang mag-babayad?" nagtatakang tanong ko ngunit hindi ako nito sinagot at ibinigay lang sa akin ang pagkain ko. Hindi na rin ako nag-tanong ulit dahil baka bawiin nito ang libre niya sa akin at pagbayarin ako.
"Ma'am, can I ask something?" sabi ko dito habang kumakain kami.
Tumingin ito sa akin habang nagpupunas ng labi gamit ang tissue.
"You're already asking." sagot lang nito.
"Ilang taon na po kayo?" tanong ko dito habang nakatingin sakanya.
Ang bata pa kasi ng mukha ni Ma'am para maging doktor.
"How old do you think I am?" balik na tanong niya.
"40 po." nagbibirong sabi ko sakanya na mukhang sineryoso niya dahil tiningnan ako nito ng masama.
"Really, Alvarez? 40?" masungit na tanong niya.
"J-joke lang Ma'am hehehe." bawi ko naman agad at awkward na tumawa dahil kinabahan ako sa paraan ng pagtitig niya.
"I'm just 28 years old, you dimwit." sagot niya na ikinalaglag ng panga ko.
"Weh? Totoo ma'am? How? I mean doctor na po kayo diba?" hindi makapaniwalang tanong ko.
"Accelerated program." tipid lang na sagot niya na ikinamangha ko.
Ang talino ni Ma'am. Sana all nalang.
"Ano po yung pre-med course niyo?" tanong ko ulit dahil na cu-curious talaga ako.
"Nursing. I graduated from college at around 24 years old by completing an accelerated medical program right after high school." sabi nito na mas lalong nakapalaglag ng panga ko.
Ang galing gagi. Ibig sabihin na kumpleto niya pala yung both degrees sa loob lang ng 6 years kaysa sa traditional na 8 years.
"Ang talino mo, ma'am. Paano naman akong ganda lang ang ambag?" naka-ngusong sabi ko na ikinataas ng kilay niya na parang hindi naniniwala.
BINABASA MO ANG
What Are The Chances? (ProfessorXStudent)
FanfictionYndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echoes through the academic halls. However, beneath her calm facade, a surprising twist emerges. A tale...