Chapter 2

1.2K 61 25
                                    

Vaine Fleur

"Good morning, class." bati ni Professor Xanther pagkapasok niya ng classroom na agad din naman naming binati pabalik.

"Index cards, please. We have a recitation today." anunsyo nito na ikinagulat ng lahat at sari-saring mga reklamo ang maririnig.

"Quiet. I told you to study all of your lessons. If you studied, you would be able to answer my question." sabi nito at kinuha na ang mga index cards saka shinuffle.

Halos lahat ay namumutla at kinakabahan lalong lalo na itong apat na nasa gilid ko.

"Lord, please sana po hindi ako matawag promise mag-aaral na po ako." rinig kong dasal ni Rain sa tabi ko.

"Kinakabahan ako takte." sabi naman ni Storm saka nag-breathing exercise.

"Mga siraulo talaga. Yan kase hindi kayo nag-aaral, kung ano-ano ang inaatupag niyo." tumatawa kong sabi ko sa dalawa.

"Bakit ikaw nag-aral ka? Makapag-salita ka ah." sabi naman ni Rain na nginisihan ko lang.

"Hindi ko na kailangang mag-aral, Ulan. Sa dami natin 1% lang ang chance na matawag ako kaya confident akong---"

"Alvarez, Vaine Fleur." napatigil ako sa pagsasalita nang marinig kong tinawag ang pangalan ko saka gulat na tumingin sa harapan.

Agad na nagtama ang mga mata namin ni Professor Xanther at hindi nakaligtas sa paningin ko ang bahagyang pagtaas ng gilid ng labi nito.

What the---seryoso?! Ako talaga ang una?

Kinakabahan akong tumayo dahil hindi ako nag-aral. Takte naman, ang bilis ng karma ah. Narinig ko pa ang pag-pigil ng tawa ng apat dahil sa pagtawag sa akin kaya sinamaan ko sila ng tingin.

Sana matawag din sila, hindi pwedeng ako lang.

"Alvarez, here's your question." sabi ni Prof. habang nakatingin sa akin.

Ito namang si Professor Xanther hindi pa ako diretsuhin ng tanong. Pa suspense pa eh, lalo tuloy akong kinabahan.

"What is the most commonly involved coronary artery in myocardial infarction?" tanong niya sa akin.

Sus, basic.

"Left anterior descending artery, Ma'am." confident na sagot ko na ikinatango niya saka nilagyan ng score ang index card ko.

Nakahinga naman ako ng maluwag at akmang uupo na nang pigilan ako nito.

"Ah-ah. Did I tell you to sit down?" taas ang kilay na tanong niya kaya napakamot ako sa pisngi ko at tumayo ng maayos.

"What is the most common cause of mitral stenosis? If you can answer this, you'll get extra points, but if not, I'll deduct points from your score." sabi nito na ikina-awang ng bibig ko.

No fair! Ang daya naman.

"Ma'am, it's Chronic rheumatic valve disease." sagot ko.

"Are you sure?" tanong ulit niya na ikinatango ko.

Shit, mali ba ako?

"You may sit down. Next." sabi nito kaya nakahinga na ako ng maluwag at prenteng umupo.

Jusko, mabuti nalang talaga at may stock knowledge akong baon.

Nagpatuloy ang recitation at marami naman ang mga nakasagot pero marami din ang hindi katulad nalang ni Rain na lutang pa dahil uminom kagabi kaya may hangover.

"Hayop ka, Ulan. Ang dali-dali na nga ng tanong sayo nagkamali ka pa." sermon ni Sunny sakanya.

"Saan ba kami nag-kulang ng pagre-review sayo?" disappointed na sabi ni Storm habang umiiling na nakatingin kay Rain na ngayon ay nakasimangot habang pinapagalitan ng mga kapatid.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon