A/N: Sana mapatawad niyo pa ako kung matagal nanaman yung UD HAHAHA prelim exam week kasi kaya busy pa sa review pero naisingit kasi naaawa na ako sainyo. Enjoy! •_~
Vaine Fleur
"Saan ko ba kasi nilagay 'yon." sambit ko habang kinakalkal ang mga gamit para hanapin ang letter na ibinigay ni Ms. Yndrah sa akin.
Umuwi talaga ako ng condo ko para lang hanapin ang sulat dahil hindi talaga ako matahimik hangga't hindi ko iyon nahahanap.
Kanina pa tumutunog ang phone ko pero hindi ko pinapansin dahil busy ako sa paghahanap. Sigurado namang isa lang yan sa magkakapatid ang tumatawag.
"Ano ba yan." inis na sambit ko nang hindi ko talaga mahanap ang letter.
Isang oras na akong naghahanap pero wala talaga. Grabe na nga yung pawis ko kakahanap. Hindi na ako nag-abala mag-bukas ng aircon dahil sa kakamadali.
Baka natapon ko na yun noong nakaraang araw na naglabas ako ng basura. Badtrip naman.
Natigil lang ako sa pag-iisip nang makarinig ako ng katok mula sa pinto.
Ano ba yan. Istorbo naman eh.
Siguradong si Rain o Storm nanaman yun. Silang dalawa lang naman kasi ang pumupunta ng madalas dito para makitambay eh. Minsan nga nakiki-kain pa tapos ako pa yung paghuhugasin ng pinag-kainan nila. Ang kakapal ng mga mukha.
"Sandali lang!" sigaw ko kahit hindi ako sure kung naririnig ba ako sa labas.
Bago ko sila pagbuksan ng pinto ay naka-isip ako ng kalokohan. Hindi ko alam kung maniniwala sila dito pero ita-try ko. Kung maniwala man sila siguradong si Ms. Yndrah lang naman yung pagsu-suspetsahan nilang kasama ko dito sa condo.
Ginulo ko muna ang buhok ko at sakto namang pawis na pawis ako at medyo hinihingal pa. Kinuha ko ang lipstick na meron ako saka iyon inilagay sa leeg ko para mag-mukhang hickey. Naglagay din ako ng kiss mark sa damit ko para mas madali nilang mapansin.
Hindi ko pa man nakikita ang reaksyon nila ay natatawa na ako kapag na i-imagine ko ang mga itsura nilang gulat na gulat.
Nang makarating ako sa pinto ay pumikit muna ako para pigilan ang tawa ko at piliting maging convincing ang mukha ko na kakatapos lang gumawa ng milagro.
Nang ready na ako ay mabilis kong binuksan ang pinto at nagkunwaring hinihingal pa.
"Istorbo nama---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa gulat nang makilala kung sino ang taong kumakatok.
Agad na nanlaki ang mga mata ko at ganun din siya habang tinitingnan ang kabuuan ko.
"I-I can explain---" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla ako nitong sinampal ng malakas.
Sa sobrang lakas muntik nang umikot yung ulo ko. Gulat akong napahawak sa pisngi ko at bahagya pa akong natulala dahil sa lakas ng sampal niya.
"I can't believe you betrayed me like this. You're such a lying piece of shit. Womanizer!" sigaw niya sa mukha ko habang dinuduro ako.
"T-teka! Let me explain. I swear, it's not what it looks like." nauutal na sambit ko.
Ramdam kong namumutla na ako dahil sa kaba lalo na nang makita ko ang galit sa mukha niya.
"How are you gonna explain this?" galit na tanong niya habang itinuturo ang damit ko na may kiss mark pati na rin ang leeg ko na namumula.
"Can we get inside first? Kasi nakakahiya sa mga katabing unit." sabi ko naman habang tumitingin sa paligid.
BINABASA MO ANG
What Are The Chances? (ProfessorXStudent)
FanfictionYndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echoes through the academic halls. However, beneath her calm facade, a surprising twist emerges. A tale...