Chapter 22

1K 59 36
                                    

A/N: Sorry sa slow UD pips. Pasukan na kasi ulit and graduating student din ako kaya sana mapatawad niyo ako HAHAHAH.

Vaine Fleur

"Oh akala ko ba si Snow yung broken-hearted dito? Bakit parang ikaw yung sawi?" napa-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Sunny.

Kasama niya sina Rain at Storm na may mga dalang pagkain.

"Sinabi ni Snow sainyo?" malungkot na tanong ko saka ibinalik ang tingin sa dagat.

"Siyempre naman. Nagulat nga kami nung umuwi siya at saktong nasa sala kaming tatlo. Sabay sabay niya kaming niyakap habang umiiyak." kwento naman ni Rain saka umupo sa tabi ko.

"Ngayon lang namin nakitang maging ganun si Snow. Alam mo namang kadalasan walang ka emo-emosyon ang mukha nun eh." sambit naman ni Storm.

"I'm sorry guys." naiiyak kong sambit.

Alam kong tama lang ang ginawa ko na sabihin ang totoo kong nararamdaman pero mali na may nasaktan ako. Ang malala ay si Snow pa talaga.

"Bakit ka nagso-sorry?" tanong ni Sunny sabay abot sa akin ng pagkain na dala niya.

"Kasi nasaktan ko yung kapatid niyo." sumisinghot kong sagot.

"Sira. Wag kang mag-sorry. Mas okay nga na naging honest ka sakanya at sa nararamdaman mo para hindi na siya mas masaktan pa. At least mas maagang makaka move on si Snow sayo." sagot naman ni Sunny.

"Heads up, Vaine. Magiging okay din si Snow. She just needs some time." tapik naman ni Storm sa akin kaya napanatag ako knowing na hindi sila galit sa akin.

Sana nga makausap ko ulit si Snow kapag naging okay at ready na siya. Ayokong masira ang pinagsamahan namin. Hindi ko kaya.

"Ewan ko nga kay Snow kung ano ang nakita sayo at bakit ka nagustuhan. Hindi ka naman maganda." sabi ni Rain sabay kagat sa sandwich niya.

Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa sinabi niya. Wow, nakaka-insulto ha. Umatras ang luha ko dun ah.

"Kumpara sayo mas maayos naman mukha ko no. Yung sayo wala nang lunas yan eh." asar na sagot ko sakanya.

"Joke lang naman eh. Bakit ka nang re-realtalk?" nakasimangot naman na sagot ni Rain na ikina-irap ko bilang sagot.

"Paano niyo pala nalamang nandito ako?" tanong ko sa tatlo.

"Wala ka naman nang ibang pupuntahan pa eh. Dito ka lang naman pumupunta pag malungkot ka o gusto mong mapag-isa." sagot ni Sunny.

Totoo naman. Itong lugar lang naman kasi ang tambayan namin kapag gusto naming mag-relax or mag-bonding. Kaunti lang ang nakaka-alam ng lugar na 'to dahil tago.

(For reference only)

"Oh alam niyo naman palang gusto kong mapag-isa bakit kayo nandito?" pabirong tanong ko sakanila

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Oh alam niyo naman palang gusto kong mapag-isa bakit kayo nandito?" pabirong tanong ko sakanila.

"Nakita kasi namin si Professor Xanther kanina kasama niya yung boyfriend niya ang sweet nga nila eh. Gusto lang naming sabihin sayo kaya ka namin hinanap." dire-diretsong sabi ni Rain.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon