Chapter 12

1K 49 21
                                    

Vaine Fleur

"It's good to be back." nakangiti kong sambit habang tinitingnan ang mga sasakyan kong nakahilera.

May sarili akong garage na puno ng mga sasakyan malapit sa may Paramount Circuit kung saan ginaganap ang karera at minsan din ang mga illegal racing ng mga spoiled brat na malakas ang kapit sa taas kaya hindi hinuhuli.

"Vaine! Ang tagal mong nawala ah." nakangiting bati ni Kuya Cray. Siya ang caretaker nitong mga sasakyan ko.

I have 15 cars in total and most of them are racing cars na ginagamit kong panlaban kapag may nanghahamon.

"Alam mo na, busy sa med school. So, how's everything here?" tanong ko sakanya saka nagpasalamat nang abutan ako nito ng favorite kong chocolate drink.

"Okay lang naman. Wala namang problema ang mga sasakyan kasi palagi ko namang chine-check lahat." sagot naman niya.

Tumango-tango lang ako saka nag-umpisa nang maglakad-lakad habang tinatanaw ang mga sasakyan ko.

"Kung may buhay lang yang mga sasakyan mo matagal na yang nagtampo sayo." natatawang sabi ni Kuya Cray habang nakasunod sa akin nang lapitan ko ang isa sa pinakapaborito kong sasakyan.

"I'm sorry, my Lexy." sambit ko saka hinihimas na parang sinusuyo ang kotse ko.

I named it Lexy because I got it from a girl named Alexa noong nanalo ako sa pustahan namin. Wala akong maisip na name eh *shrugs*

It's a Ferrari SF90 XX Stradale.

"May karera ka ba ngayon?" tanong ni Kuya Cray sa akin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"May karera ka ba ngayon?" tanong ni Kuya Cray sa akin.

"Wala nga eh. Lahat naman sila ayaw akong kalabanin." nakanguso kong sabi na ikinatawa niya.

Ang tinutukoy niya ay kung may naghamon ba sa akin ng pustahan. Iba pa kasi yung ginaganap sa Paramount.

"Can't blame them, inubos mo ba naman yung mga pera eh." sabi niya na ikinangisi ko lang. "Well, there's a new champ in town." dagdag na sabi ni Kuya Cray kaya mabilis ko siyang tiningnan.

"How good?" maikling tanong ko.

Sanay na din kasi ako na sabihin yan ni Kuya Cray pero kapag kinakalaban ko naman yung mga sinasabi niyang magaling daw eh kumakain na agad ng alikabok umpisa palang. I'm not bragging ha, ayaw ko lang talaga sa mga biglang lulusot at mag aangas angasan pero puro lang din naman salita.

"She won 8 races in just a month." nakangising sabi niya sa akin na medyo ikinagulat ko.

"No way!" hindi makapaniwalang sambit  ko naman.

Mukhang magaling nga talaga ah. Finally, a worthy opponent.

"Yes way. Hindi ka na kasi active kaya napalitan ka na." nang-aasar na sabi nito na ikinasama ng tingin ko sakanya.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon