Chapter 24

1.2K 67 44
                                    

Vaine Fleur

"Heard what happened. My condolences, Vaine." sabi ni Rain sa akin habang tinatapik ang balikat ko.

Napasalubong naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

"Anong sinasabi mo? Wala namang namatay." sagot ko sakanya.

"Wala na mga sasakyan mo eh, ganun na din yun. Yan kasi, ang damot mo ayaw mong magpa-hiram si Lord na tuloy gumawa ng paraan." sabi niya na ikinasama ng tingin ko.

"Talaga ba? Gusto mo ikaw pasabugin ko?" asar na tanong ko sakanya saka siya hinampas.

"Ano na palang balita?" tukoy ni Sunny sa nasunog kong mga sasakyan.

"Ewan. I'm not interested anymore. Hindi naman na mababalik yung mga sasakyan ko." sagot ko sakanya.

Nalulungkot ako sa tuwing naaalala ko yung nangyari sa mga pinakamamahal kong mga kotse pero wala din naman akong magagawa. Mas pinili ko nalang din na huwag sabihin sakanila yung nangyaring away namin ni Daddy at baka mag-alala lang sila.

"Si Snow pala asan?" tanong ko sa tatlo nang mapansing hindi nila kasama si Snow.

Tumawa naman yung tatlo na parang may naalala kaya tiningnan ko sila ng may pagtataka.

Okay na kami ni Snow. Nag-usap na kami tungkol sa nangyari at tanggap niya na daw at sa process na siya ng pagmo-move on.

Umiyak pa nga ako dahil ayaw ko talagang lumayo siya sa akin, pero hindi naman ako selfish at ayokong saktan pa lalo si Snow. Kaya kahit ayaw ko, napagdesisyunan naming medyo maging distant muna kami sa isa't isa, pero we're still friends naman. Yun nga lang, may boundaries na.

"Ano na? Nasaan nga si Snow?" tanong ko sakanila nang hindi sila sumagot.

"Ayun, busy sa lovelife." turo ni Rain na sinundan ko naman ng tingin.

Nakita ko si Snow na parang iritang-irita ang itsura habang may kausap na babae.

Pilit kong inaaninag kung sino yung kausap ni Snow dahil masyado silang malayo at nakatalikod yung babae mula sa pwesto namin. Nasa bench kasi kami dito sa ilalim ng puno habang si Snow at yung babaeng kasama niya ay malapit sa field.

"Wait, si Yuna ba yun?" tanong ko sakanila nang humarap ang babae na ikinatawa nanaman nila.

"Bakit ba kayo tawa ng tawa? Baka gusto niyo akong sagutin?" naiinis na tanong ko sakanila dahil wala akong nakukuhang sagot.

"May gusto yung kapatid ni Prof. Xanther kay Snow." natatawang sabi ni Storm.

"What?" gulat na sambit ko habang nakatingin pa rin sakanila.

"You heard it right. Ilang araw nang kinukulit ni Yuna si Snow kaya din palaging missing action yung isa kasi nagtatago." sabi naman ni Rain.

"Seryoso? I didn't think that Yuna swings that way. She's too girly." gulat pa rin na sambit ko.

Masyadong kikay naman kasi si Yuna kaya hindi halata sakanya na she's into girls. Pink yung bag pati yung mga hairpin niya sa ulo pink din. Hindi nga siya mukhang college student dahil sa height niya eh. Hanggang balikat lang siya ni Snow.

"Pati nga rin kami nagulat nung lumapit siya sa amin para magpatulong kay Snow." iiling-iling na sambit ni Sunny.

"Ilang taon na nga ulit si Yuna?" tanong ni Rain.

"Naki-birthday ka tapos hindi mo alam? 19 na yan." sabi naman ni Storm.

"Malay ko ba, pagkain nasa isip ko ng mga panahon na yun eh." sagot naman ni Rain.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon