Chapter 30

1.4K 67 27
                                    

Vaine Fleur

"Where are we going?" tanong nanaman ni Ms. Yndrah sa akin dahil nababagot na siya sa haba ng binabyahe namin.

"Ika sampung tanong mo na po yan." sagot ko sakanya habang diretso lang na nakatingin dahil ako ang nagda-drive.

"If only you had answered me, I wouldn't be asking." irap naman na sabi niya.

"May surprise bang sinasabi? Relax ka lang kasi at malapit na tayo." sagot ko sa kanya.

"It better be worth it, or you'll be walking back to the city." banta naman niya.

"Kung worth it ba iki-kiss mo 'ko?" nakangiting tanong ko.

"Weren't you satisfied when you stole a kiss from me at your condo?" tanong niya na ikinalaki ng mata ko.

"Huy, grabe ka naman mambintang. Aksidente lang yun no." depensa ko naman.

"I don't think so. It seems to me that you did it on purpose." hindi naniniwala niyang sambit.

"Accident nga yun. Kung sasadyain ko mang halikan ka dapat yung matagal na para sulit." sabi ko pero nakatanggap lang ako ng hampas mula sa kanya.

"Pervert." sambit niya na ikinatawa ko lang.

Hindi na siya nagsalita ulit at nang silipin ko ay nakapikit na ito. Hinayaan ko muna siyang matulog dahil may 30 minutes pa naman bago kami makarating sa pupuntahan namin.

Habang nagda-drive ay tinitingnan ko siya paminsan-minsan tsaka ako ngumingiti ng parang tanga.

"Malala ka na, Vaine." sambit ko sa sarili ko habang nakangiti pa rin.

Napatingin ako sa langit tsaka nakangiting tumitig doon.

Thank you, God, for this incredible woman who brings so much light and love into my world. She transformed my life in ways I never imagined.

"Please, Lord. Ibigay mo na sa akin 'to. Promise po iingatan ko. I'll love her in all ways, always." dasal ko pa sa isip ko.

I couldn't help but to feel overwhelmed with gratitude. I realized just how blessed I am to have her in my life. Hindi ko alam pero iba ang saya na naidudulot sa akin kapag kasama ko siya. Her presence brings an indescribable joy and a sense of completeness I never thought possible.

Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa lugar kaya kinuha ko na ang pagkakataon para makapag set-up ng picnic date habang natutulog pa siya. Mamaya ko nalang siya gigisingin kapag natapos ko na ayusin ang lahat.

Sakto namang hindi masyadong mainit kaya hindi masakit sa balat ang araw. May dala din naman kasi akong picnic mat at umbrella tsaka camping chair para komportable siya. Balak ko din kasing yayain siya mamaya para manuod ng paglubog ng araw dahil ito yung the best spot para manood ng sunset. Excited na ako kung sakaling pumayag nga siya.

Unti-unti ko nang ibinaba ang mga gamit na dala ko sa likod ng sasakyan. Nag-iingat din kasi ako na baka magising siya sa ingay kaya dahan dahan lang ang galaw ko. Sinadya ko ding ipark ang sasakyan patalikod para kung sakaling magising man siya ay hindi niya kaagad makita ang lugar.

Nang ma iset-up ko na ang lahat ay pumunta na ako ng kotse para gisingin siya.

"Ms. Yndrah, we're here. Wake up." pag-gising ko sakanya sa mahinang boses para hindi siya magulat.

Unti-unti naman siyang nagmulat ng mata saka iginala ang tingin sa paligid.

"Close your eyes." sabi ko na ikinasama niya ng tingin sa akin.

"Seriously? You woke me up just to make me close my eyes again?" masungit na tanong niya.

"It's a surprise nga. Sige na kasi." sagot ko naman saka pinadyak ko ang mga paa ko na parang bata dahil ang KJ niya.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon