Chapter 26

1.6K 94 48
                                    

A/N: Pasensya na kung bitin yung mga UD ko may sinusunod kasi akong limit 2000 words lang per chapter kaya sarreh HAHAHAHA. Pero dahil mabait ako ngayon pahabain ko na ng konti bawi ko na din sainyo na palaging naghihintay sa story ko. Mabilis and UD ngayon dahil may oras ako kaya mag-vote kayo! Thankiessss po :*

Vaine Fleur

"Oh, anong nangyari sa noo mo? Bakit ka may malaking pasa?" gulat na tanong ni Rain sa akin.

"Wala to, nadapa lang ako sa PE kanina." lutang na sagot ko sakanya.

"Anong PE? Wala naman tayong subject na ganon ah. Anong sinasabi mo?" naguguluhang tanong niya pa.

"Hala ka. Nabagok ata ulo niya." rinig kong sabi ni Storm.

"Okay ka lang ba? Ano bang nangyari?" nag-aalalang tanong naman ni Sunny.

Hindi ako nakasagot dahil naalala ko nanaman ang nangyari sa office ni Ms. Yndrah.

Flashback...

"Promise, usap lang." naka-ngisi niya pang dagdag saka ako hinila papunta sa couch.

"T-teka lang po!" utal na sabi ko nang itulak niya ako paupo sa couch.

"You know what I hate the most, Alvarez?" sambit niya habang dahan-dahang hinuhubad ang coat na suot niya hanggang sa ang white long sleeves nalang niya ang natira.

"I hate someone who shows motive but doesn't have the courage to stand by it." may diin ngunit mapang-akit niyang sabi habang tinatanggal ang unang butones ng kanyang suot habang nakatayo sa harap ko.

"Eh sinusunod ko lang naman po ang gusto mo eh. You want me to stay away from you, so I did." sagot ko habang umaatras sa couch kahit wala na akong aatrasan.

"I didn't say you should stay away from me, dumbass!" inis na sambit niya sa akin.

"But that's how you make me feel. You make me feel unwanted, and you already said that everything that happened was just a mistake. I'm already doing you a favor by staying away so I won't fall for you even more because I know in the end, I'll be the one who gets hurt." mahinang sagot ko naman.

Lumapit siya sa akin at yumuko saka ako hinawakan sa pisngi. Akala ko hahalikan niya ako pero dumiretso ang labi niya sa tenga ko para bumulong.

"Do you think I'll let you? You have no idea what you've gotten yourself into, Alvarez. There's no turning back because you're already driving me crazy. You're making me confused about everything, and you're the only one who has made me feel this way. You need to take responsibility for this." bulong niya sa akin na nagpabalik nanaman sa kaba ko.

Fuck! Ayoko ng ganito. Ako ata ang mababaliw kapag hindi ko napigilan ang sarili ko.

Ang lakas ng loob kong mang-landi pero hindi ko pala kaya kapag si Ms. Yndrah na ang gumawa. Para akong naduwag.

"But before that, there's something I need to do." nakangising sambit niya saka lumayo sa akin para sana umupo sa tabi ko.

At dahil doon ay nakahanap ako ng tyempo. Mabilis akong tumayo at patakbong lumapit sa pinto para umalis.

"Hey!" rinig kong sigaw ni Ms. Yndrah pero hindi ko siya pinansin.

Halos madapa pa ako makatakas lang sakanya pero dahil sa katangahan ko at pagmamadali ay nauntog ako nang buksan ko ang pinto kaya ko nakuha ang pasa na nasa noo ko.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon