Chapter 18

1K 53 56
                                    

Vaine Fleur

"I'm on my way." basa ko sa text na sinend ni Ms. Yndrah sa akin.

30 minutes na akong naghihintay dito pero papunta palang siya. Sana pala nagpa-late nalang ako ng punta dito kaso yung inaalala ko yung traffic eh medyo malayo pa naman yung condo ko sa airport.

"Inaantok na ako." sambit ko sa sarili ko dahil nakaupo lang naman ako dito sa airport. Bumili naman na ako ng kape kanina pero parang walang epekto sa akin eh.

At dahil na bo-bored na talaga ako ay napagpasyahan kong maglibot-libot muna habang wala pa si Ms. Yndrah.

"Vaine?" agad akong napatingin sa gilid ko nang marinig ko ang pangalan ko.

"Aiah." nakangiti kong bati nang makilala kung sino ang tumawag sa akin.

"OMG! Vaine! How are you na? Alam mo bang nag-alala ako sa nangyari sayo. I tried visiting you sa hospital pero ayaw akong payagan ng nurse bawal daw bisita sabi ng doctor mo eh." sabi nito sa akin pagkatapos niya akong yakapin.

Huh? Bawal bisita? Wala namang sinabi sa akin si Ms. Yndrah ah.

"I'm good. Pwede na ulit sumalang." biro ko sakanya.

"Sira, huwag na muna. Magpagaling ka pa. Himala nga at buhay ka pa." sagot naman niya sa akin.

"Weh, alam ko namang hindi ka talaga concern sa akin. Ayaw mo lang ako bumalik kasi natatalo ka eh." asar ko sakanya.

"Huy, hindi ah. Pero half-true." sagot niya saka tumawa ng malakas.

"Sabi na eh. Siya nga pala, saan punta mo?" tanong ko sakanya.

"America. May family reunion kami kaya need ko maging present dun. Eh, ikaw?" tanong naman niya sa akin.

"Canada. May competition eh. I'm the University's representative." sagot ko sakanya.

"Naks, matalino ka pala?" asar niya na ikinairap ko.

"Igaya mo pa ako sayo." sagot ko na ikinatawa niya lang.

Natigilan naman ako nang may nahagip ang mata 'kong naglalakad sa likod ni Aiah at papunta ito sa direksyon namin.

Damn. It's Ms. Yndrah.

She entered the airport with an air of confidence, immediately capturing everyone's attention. Each step she took drew admiring glances, captivated by her stunning beauty and graceful demeanor.

Sino ba naman ang hindi mapapalingon sa ganyan kaganda?

"Excuse muna Aiah ha. Wait lang." paalam ko saka naglakad papunta kay Ms. Yndrah para salubungin ito.

"Ms. Yndrah." bati ko sakanya nang makarating ako sa tapat niya.

"Why are you not answering your phone? I've been calling you since earlier." inis na sabi naman nito sa akin.

Kinuha ko naman ang phone mula sa bulsa ko at napangiwi nang makitang may 10 missed calls at ilang texts nga na galing sakanya.

"Sorry po. Naglibot-libot po kasi ako tsaka may nakausap akong kilala ko kaya hindi ko namalayan." paghingi ko naman ng pasensya.

"Vaine." napalingon naman ako nang marinig ko ang boses ni Aiah at nakita kong papalapit ito sa amin.

"Wait. You're Polaris, right? Sa Paramount?" gulat na tanong nito kay Ms. Yndrah nang makilala niya ito.

Napatingin naman si Ms. Yndrah sakanya saka niya tiningnan ito mula ulo hanggang paa at parang walang balak sagutin si Aiah.

Peke naman akong umubo para kunin ang atensyon nila dahil ang awkward na masyado ng katahimikan.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon