Vaine Fleur
"How the hell did this happen?" galit na tanong ko kay Kuya Cray habang natataranta at hindi na alam ang gagawin.
"I told you, I don't know! I swear, Vaine, hindi ako umaalis kaya imposibleng may mga nakalusot at basta nalang naglagay ng mga explosives at pinasabog ang garahe." pag-eexplain niya sa akin habang nanginginig na din siya sa galit.
Napahilamos ako ng mukha at nanlulumong nakatingin lang sa sunog kong mga sasakyan.
Tumawag ng madaling araw si Kuya Cray para sabihin sa akin na sumabog at nasusunog daw ang garahe ko kaya agad akong pumunta pero huli na. Wala nang natira---abo na lahat.
"Fuck." buntong hininga na wika ko at pagod na napa-upo nalang sa gilid.
"I'll find whoever did this, Vaine. I swear, gaganti tayo." sambit ni Kuya Cray na nakatayo sa gilid ko habang pinagmamasdan ang mga bombero na patuloy pa rin sa pagbomba ng tubig para masiguradong wala nang apoy.
"No need for that." sagot ko naman sakanya habang diretso lang ang tingin.
"I'll handle it. I know who did this." sabi ko sabay yukom ng kamao.
Wala nang iba ang gagawa nito kung hindi siya lang.
"As of 6:42 AM, we've successfully
extinguished the fire. Regrettably, all vehicles
have suffered extensive fire damage, and
there's evidence suggesting the use of
explosives. Ang priority po muna namin ngayon ay i-secure ang lugar pati na rin ang safety ng lahat." sabi ng bombero sa akin.Si Kuya Cray na ang nakipag-usap dahil wala pa talaga ako sa hulog ngayon dahil sa mga nangyayari.
"We will initiate a thorough investigation to determine the cause and gather any pertinent information. Safety protocols remain in place until we complete our investigation and clear the area. Please avoid the vicinity until further notice." rinig kong huling sabi ng bombero bago tuluyang umalis.
"Vaine---teka!" tuloy-tuloy akong naglakad papunta sa kotse ko nang habulin ako ni Kuya Cray.
"Saan ka pupunta?" pigil niya sa akin ng akmang papasok na ako ng kotse.
"May sisingilin." tipid na sagot ko saka pumasok sa kotse at mabilis itong pinaandar.
Nagpupuyos ako sa galit ngayon. Hindi na ako makapag-isip ng maayos at ang tanging naiisip ko lang ngayon ay puntahan kung sino man ang gumawa nito at gumanti.
Pagkarating ko ng Hospital ay agad kong pinark ang sasakyan ko at dire-diretsong pumasok sa loob.
"Ma'am, sorry po pero bawal na po kayong pumasok dito." pigil ng guard sa akin pero hindi ko siya pinansin at patuloy pa rin sa paglalakad.
"Ma'am, utos po ni Mr. Alvarez na huwag kayong papapasukin dito." sabi ng guard habang sinusundan pa rin ako papunta sa elevator.
Sa inis ko ay hinarap ko siya at masamang tiningnan.
"Hospital ko 'to kaya kung ayaw mong mawalan ng trabaho ay tantanan mo ako." inis na sambit ko at pumasok na ng elevator.
"Pero ma'am----" hindi ko na narinig ang sinabi ng guard dahil tuluyan nang nagsara ang elevator.
Pumunta ako sa pinakataas na floor nitong Hospital kung saan ang opisina ng magaling kong ama.
Pagkarating ko sa opisina niya ay malakas na binuksan ko ang pinto at pabalang na isinara ito.
Nakuha naman nito ang atensyon niya kaya agad siyang nagpaalam sa kausap niya sa telepono at mabilis na ibinaba ito."Oh, look who's here. Are you going to kneel and beg? Are you going to admit that all this time I was right and you were wrong?" nakangiting tanong niya sa akin habang nakasandal sa upuan at inaayos ang necktie niya.
BINABASA MO ANG
What Are The Chances? (ProfessorXStudent)
FanfictionYndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echoes through the academic halls. However, beneath her calm facade, a surprising twist emerges. A tale...