Vaine Fleur
"I'm sorry, ma'am, but you only booked one room. You said you want a twin bedroom." rinig kong sabi ng receptionist kay Ms. Yndrah.
"No. I said two bedrooms, not two beds. BEDROOMS." stress na sagot naman ni Ms. Yndrah habang hinihilot ang ulo nito.
"Ikaw miss ha, di mo sinabi gusto mo pala akong makasama sa isang kwarto." asar ko sakanya na ikinasama ng tingin nito sa akin.
"Oh shut up. Isa ka pa." pa-irap na sabi nito sa akin.
Sabi ko nga i-close nalang ang mouth.
"Is there any chance that we can book another room?" tanong ni Ms. Yndrah.
"I really apologize, ma'am, but we have only one room available. We are currently full booked." sagot naman ng receptionist na mas lalong nagpalaglag ng balikat ni Ms. Yndrah.
"We'll take it." ako na ang nagsalita sa receptionist.
"Mag che-check in nalang po ako sa malapit na hotel dito kung ayaw mo akong kasama sa isang kwarto." baling ko naman kay Ms. Yndrah.
Napatingin naman siya sa akin at umirap sabay kuha ng key card na binigay ng receptionist.
"Fine, we can share room but don't do anything foolish. Do you understand me? Or else,uuwi ka talaga ng Pilipinas na naka-kabaong." sambit ni Ms. Yndrah saka nauna nang pumasok ng elevator.
"Ako? Gagawa ng kalokohan? Baka ikaw po." sagot ko naman habang nakasunod sakanya.
"Excuse me? You're not even my type." sabi niya sa akin.
Imbes na ma asar ay natawa lang ako dahil sa sinabi niya.
"Why not? I'm the standard, Ms. Yndrah. Hindi ka na makakahanap ng isang katulad ko." mayabang ngunit pabiro kong sagot sakanya.
"Mabuti naman kung ganon." sagot niya sa akin at saktong bumukas ang elevator.
Hala, ang sama niya talaga sa akin guys. Pigilan niyo ko, hahalikan ko 'to. Charot.
"Nagta-tagalog ka po pala?" tanong ko sakanya habang hinahanap ang room namin.
Hindi naman siya sumagot at patuloy lang ang pagtingin sa mga pinto.
Narinig ko naman na siyang mag-tagalog pero sobrang dalang lang talaga. Ang cute nga eh kasi may english accent pa rin.
"Alam mo, miss, dapat dalasan mo na ang pagtatagalog. Minsan kasi, sa sobrang lalim ng mga words na ginagamit mo napapa-tango nalang ako kahit hindi kita naiintindihan eh." sabi ko pa sakanya.
"It's not my problem anymore, Alvarez. I studied in the States for a long time, of course I'm used to speaking English." sagot niya sa akin hanggang sa makarating na kami sa room namin.
"Wag dapat ganun, miss. Mahalin mo ang sarili nating wika pati na rin ako." pagpapacute ko pa sakanya sabay harang ng sarili ko sa pinto na nagpatigil sakanya.
Tiningnan niya ako ng mariin habang ako naman ay malaki ang ngiti na nakatingin sakanya. Nagpapa-cute lang ako baka sakaling gumana.
Ilang sandali pa ay unti-unti siyang lumapit na nagpalunok sa akin dahil sobrang lapit niya na talaga. Naaamoy ko na ang mabango at mainit na hininga niya na tumatama sa mukha ko.
"Tabi." mahina ngunit may diin na sambit niya pero yung dating sa akin ay parang nang-aakit.
Hindi naman ako makagalaw dahil wala akong naiintindihan. Para akong na hi-hipnotismo sa presensya niya.
Nagulat nalang ako nang bigla niya akong itulak dahilan para magising ang diwa ko.
Agad niyang binuksan ang kwarto gamit ang keycard saka pumasok na sa room.
BINABASA MO ANG
What Are The Chances? (ProfessorXStudent)
FanfictionYndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echoes through the academic halls. However, beneath her calm facade, a surprising twist emerges. A tale...