A/N: Oh bawing-bawi na ako ha. Pag hindi pa kayo nag-vote ewan ko nalang talaga baka 2 weeks akong hindi mag UD HAHAHAH
Vaine Fleur
"Nag-away po ba kayo?" pabulong na tanong ni Yuna sa akin habang sinusundan ng tingin ang ate niya na papa-akyat na ng kwarto.
"Hindi naman. Baka bad mood lang yung ate mo." sagot ko naman at muling sumubo ng pagkain.
Pagkatapos kasing kumain ni Yna ay umakyat na siya sa kwarto niya. Hindi niya rin ako pinapansin nang dumating ako kanina. Sa tingin ko ay may kinalaman iyon sa inakto ko kanina. Dibale na, mamaya ko nalang siya susuyuin. Papalamigin ko muna yung ulo dahil baka hindi na ako makalabas ng buhay dito kapag nilapitan ko siya ngayon.
"Kumain ka pa, Vaine. Marami itong niluto ko ngayon." sabi sa akin ni Tita na ikinangiti ko naman.
"Ang dami ko na nga pong nakain eh. Dabest ka po talaga magluto, masarap po lahat." sabi ko naman kay Tita.
"Ay sus, mabuti naman at nagustuhan mo. Magdala ka pauwi nitong mga ulam mamaya. Ipagbabalot kita." sabi naman ni Tita na ikinatuwa ko.
"Thank you po." masaya kong sagot kay Tita.
Pagkatapos naming kumain ay inaya naman ako ni Tito sa garden para magpahangin habang nagpapababa kami ng kinain at syempre kwentuhan na din.
"So you mean your Dad disowned you?" kunot noo na tanong ni Tito sa akin na ikinatango ko naman.
"How about your Mom? Anong sinabi niya tungkol jan?" tanong ulit ni Tito.
"I haven't talked to her since she left for the medical mission po." sagot ko naman.
"So ikaw na lang talaga ang mag-isa? God, I can't imagine what you have been through, Vaine." naaawang sabi ni Tito sa akin.
Ngumiti naman ako ng pilit kay Tito.
"Sanayan lang po, Tito. I grew up not expecting anything from them din naman kaya hindi na ako nadidisappoint, pero there's still a part of me na syempre naghahanap ng kalinga ng magulang." sagot ko naman.
"I still can't imagine that Roman can do that to his own daughter. Iba ang pagkakakilala ko sa kanya. I always thought he was a good and supportive father to you since you are his only child." umiiling iling na sambit ni Tito.
Naaalala ko nung bata pa ako, palagi akong naiinggit kapag family day kasi lahat sila may mga magulang na uma-attend, pero ako, yaya ko lang ang kasama ko. Palagi nalang silang busy hanggang sa napapabayaan na nila ako. Natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa. Kaya kapag may mga achievements ako sa school, hindi ko na sinasabi sa kanila kasi wala naman na silang pakialam. Ang importante lang sa kanila ay trabaho at pera.
Naiiyak pa rin ako hanggang ngayon kapag naaalala ko ang mga pinagdaanan ko noon.
"I can't even remember the last time they hugged or kissed me. I can't remember the last time they said they were proud of me. It feels like those moments never happened. Sometimes I wonder if I did something wrong or if I'm just not as important to them as I thought. The lack of affection and praise makes me question my place in their lives." umiiyak na kwento ko pa.
Agad naman akong niyakap ni Tito nang tuluyan na akong humagulgol.
Akala ko okay na ako eh. I thought I had already healed from that experience, but I was wrong. The pain and the memories seem to resurface when I least expect them.
It's a reminder that healing isn't a linear process and that some wounds take longer to mend than others.
"Cry it all out, Vaine. We're here for you. Pamilya mo na din kami, okay? Hindi ka na ulit mag-iisa." pagco-comfort pa ni Tito sa akin kaya mas lalo akong naiyak.
BINABASA MO ANG
What Are The Chances? (ProfessorXStudent)
FanfictionYndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echoes through the academic halls. However, beneath her calm facade, a surprising twist emerges. A tale...