Chapter 27

1.4K 83 47
                                    

Vaine Fleur

"S-seryoso ka po ba na ipapakilala mo akong manliligaw sa mga magulang mo?" bulong ko kay Ms. Yndrah nang makababa ako ng sasakyan.

"Yes, why? Don't tell me you're scared?" asar niya sa akin.

"Aba syempre naman. Sino naman ang hindi kakabahan kung meet the parents na kaagad eh hindi pa nga ako nag-uumpisang manligaw." sabi ko naman sakanya.

"Relax. Just be yourself; besides, Dad already knows you." tukoy niya noong debut ni Yuna.

"Oo kilala niya ako pero hindi bilang manliligaw mo." sagot ko naman.

"You can run fast naman, right?" tanong niya sa akin habang papasok kami sa bahay nila.

"Yes, why?" nagtatakang sagot ko sa tanong niya.

"Good. In case Dad chases you with a knife, you'll be able to escape quickly." sagot niya na ikinatigil ko.

Punyemas, yan na nga ba ang sinasabi ko eh.

Pagkasabi niya non ay agad akong tumalikod at mabilis na naglakad palabas ng bahay pero bago pa ako makalayo ay agad niyang hinigit ang damit ko pabalik.

"Hey, I'm just kidding. Let's go." natatawa niyang sabi sa akin habang hinihila ang laylayan ng damit ko para hindi ako makatakbo.

"Alam mo po, marami pa akong pangarap sa buhay. Ayokong mabalatan ng buhay dito." natatakot kong sabi sakanya.

Pinagpapawisan na ako ng malagkit dahil sa kaba.

Magsasalita pa sana ako nang bumaba sa hagdan ang Daddy niya habang may kausap sa phone.

Wala nang atrasan to. Lord, ikaw na ang bahala sa akin. Sana ay makalabas pa ako ng buhay.

"Dad." bati ni Ms.Yndrah sa Daddy niya nang makita kami.

"Oh hello, hija. Kakauwi mo lang ba?" balik naman na bati ng Daddy niya sakanya pagkatapos nitong ibaba ang tawag.

"Yeah. By the way, Dad. You know Vaine, right?" pagpapakilala ni Ms. Yndrah sa akin.

Napatayo naman ako ng maayos nang magkasalubong ang tingin namin ng Daddy niya.

"Oh yeah, you're Roman's daughter, right? And Yna's student, too?" nakangiting tanong niya sa akin.

"Y-yes po. Nice to meet you, sir." utal na sagot ko naman saka ini-abot ang kamay ko na agad din naman niyang tinanggap.

"Dad, Vaine has something to tell you." sambit ni Ms. Yndrah na ikinalaki ng mata ko.

Pasimple ko siyang siniko at tiningnan na parang sinasabi na huwag na naming ituloy.

"Let's sit down first so we can talk properly." sabi naman ng Daddy niya saka nauna nang pumunta sa living room nila.

Sumunod naman kami ni Ms. Yndrah pero bago iyon ay pinigilan ko muna siya para kausapin.

"Ms. Yndrah naman. Mahihimatay na talaga ako dito. Hindi ko alam ang sasabihin ko sa Daddy mo. Huwag nalang kaya natin ituloy?" kinakabahan kong bulong sakanya.

"So ano? Are you giving up? Pwede ka namang umuwi na. I'll just tell Dad." sagot niya naman sa akin.

Sandali akong natahimik at nag-isip. Kapag umatras ako dito magmumukha akong duwag. Para ko na ding pinatunayan sa Daddy niya na hindi ko kayang ipaglaban ang anak niya.

Natatakot ako sa Daddy niya pero mas takot akong mawala si Ms. Yndrah.

Boom! Yown, bumanat pa nga kahit mamamatay na sa kaba.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon