Chapter 34

1.7K 79 51
                                    

A/N: Pasensya na sa very matagal na update. Mas naging busy lang sa school and gabi lang talaga yung pahinga ko kaya please be patient lang po dahil kahit gustuhin ko man ay hindi ko talaga maisingit sa schedule ko.

Mas okay na yung slow update kaysa naman sa hindi ko tapusin yung story, diba? Yun lang! Thank you sa mga nakaka-intindi at patiently waiting jan :*

Don't worry. Tatapusin ko 'to. Papaiyakin ko pa kayo eh.

Note: THERE IS NO EXACT DAY FOR THE UPDATES SINCE I CAN ONLY WORK ON IT DURING MY FREE TIME.
____

Vaine Fleur

"Sure ka na ba?"

"Pang isang daang tanong mo na yan. Oo nga sabi eh." inis na sabi ko kay Rain.

"Sinisigurado ko lang na sure ka na. Baka mamaya nagpapadalos-dalos ka sa desisyon mo eh." sabi naman ni Rain.

"Boplaks. Magda-dalawang buwan na yang nanliligaw kay Professor Xanther, hindi pa ba siya sure sa lagay na yan?" sabi naman ni Sunny sabay batok ng mahina sa kapatid.

"So kailan mo siya balak tanungin?" tanong ni Storm habang tumitingin sa papel ko at nangongopya ng sagot.

Para-paraan din ang isang 'to eh. Nililibang ako para makadale ng sagot ko.

"After finals, next week." sagot ko naman sabay takip ng papel ko na nagpasimangot kay Storm.

"By the way, maiba ako. Wala ba kayong napapansin kay Snow?" tanong ni Rain.

"Bakit? Anong meron?" tanong ko naman.

"Palagi nalang siyang tulala eh. Tapos kapag tatanungin naman, hindi sumasagot. Medyo nagiging distant din siya." sagot naman ni Rain.

"Nag-umpisa 'yon nung hindi na sila nagpapansinan ni Yuna. Mukhang nagising na sa katotohanan yung isa eh. Siya na mismo ang umiiwas kay Snow." sabi naman ni Storm.

"Do you think Snow has already fallen for Yuna?" tanong ko naman sa kanila.

Sabay-sabay naman silang nagkibit-balikat dahil hindi din sila sigurado kung dahil kay Yuna nga ang pagiging kakaiba ni Snow.

"Oh balik na sa upuan. Nandyan na si Professor Xanther." anunsyo ng isang classmate namin kaya agad na nagsibalikan ang lahat sa kanya-kanyang upuan.

Ayaw kasi ni Yna ng magulo at maingay. Gusto niyan palagi pagkapasok niya ay maayos ang lahat.

Ilang sandali pa ay narinig na namin ang takong niya na umaalingawngaw sa pasilyo tanda na paparating na siya.

"Nasaan si Snow?" tanong ko kay Sunny dahil wala pa siya sa room.

"Hindi ko alam kung saan nagpunta. Sabay naman kaming pumasok pero biglang nawala nung nasa parking lot na kami." sagot naman ni Sunny.

Bago pa ako magtanong ulit ay pumasok na si Yna sa room kaya napa-ayos na ako ng upo.

"Good morning." bati niya sa amin pero sa akin lang siya nakatingin kaya nginitian ko siya sabay kindat na ikina-iwas niya ng tingin.

Sabay-sabay kaming bumati sa kanya. Pumunta siya sa harap ng table niya saka pahapyaw na umupo habang nakahalukipkip at mukhang may sasabihin.

Bakit ba lahat nalang ng ginagawa niya nakaka-akit para sa akin?

"As you all know, finals are approaching, and the school year is about to end. This means that you'll be facing a lot of activities, exams, and practical tests. Make sure to manage your time effectively, seek help if needed, and give your best effort in these final assessments. Completing these requirements successfully will set a solid foundation for your next and final academic year." mahabang sabi niya sa amin.

What Are The Chances? (ProfessorXStudent)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon