Vaine Fleur
"Mom is inviting you to have dinner at home later." sabi ni Yna na ikinalingon ko sa kanya.
"Okay po. Let Tita know that I'll be coming." sagot ko naman tsaka ipinagpatuloy na ang pinapanood ko.
Nandito nanaman kasi ako nakatambay sa office dahil wala kaming klase. Nanonood lang ako ng movie sa laptop ko habang si Yna naman ay gumagawa ng exam kaya ayaw niya akong palapitin sa kanya baka daw kasi mandaya ako.
About naman sa Mommy niya, tama po kayo ng pagkakabasa.
The talk we had that night went well. Tinatakot lang pala nila ako, jusko. Halos mawalan na ako ng hininga sa kaba, tapos pinagtitripan lang pala ako.
It's been weeks since that happened and mas lalo pa kaming naging close ni Tita Mikha ngayon. Palagi akong nasa bahay nila kapag weekends, and we do stuff like baking, cooking, and even gardening, which I enjoy very much. Naiinis na nga si Yna dahil parang ako pa yung anak kaysa sa kanya.
It's truly heartwarming to be embraced by a family like theirs. Being with them has shown me what it means to be part of a genuinely loving and happy family, something I've never really experienced before with my own family. The way they welcome me makes me feel like I belong, and it's something I deeply cherish.
"You're always at our house. Why don't you just live there?" sambit niya pero sarcastic ang pagkakasabi niya.
Sus, kunwari pa siyang ayaw niya ako nandoon eh sinabi sa akin ni Tita na siya mismo ang nagsasabi na papuntahin ako.
Dr. Yndrah niyo masyadong pakipot.
"Pwede naman. 'Yon ay kung sasagutin mo na ako." nakangiting sagot ko sa kanya.
Inirapan niya lang ako at hindi na sumagot. Napailing nalang ako habang nakangiti at nag-focus na ulit sa panonood.
"Come here." tawag niya sa akin pagkalipas ng ilang minuto.
Agad naman akong tumayo para lumapit sa kanya.
"Buy me a coffee and something for yourself." sabi niya sabay abot sa akin ng card niya.
"Manliligaw mo ba ako o alalay?" tanong ko pagkatapos kunin ang card.
"Nevermind." masungit na sabi niya at akmang babawiin ang card pero agad kong inilayo iyon.
"Joke lang. Ito na nga, bibili na." sambit ko.
"Bye, aalis muna ako. Huwag mo akong masyadong mami-miss ha." sabi ko pa saka siya mabilis na ninakawan ng halik sa pisngi na ikinagulat niya.
"Why do you always steal a kiss from me? You can just ask nicely." inis na tanong niya sa akin.
"Where's the fun in that? At saka, kung magpapaalam ako, papayag ka ba?" tanong ko naman.
"No." mabilis na sagot niya na ikinatawa ko.
"Oh, ganun naman pala eh. Edi huwag na magpaalam, tutuka na lang ako nang diretso." sagot ko.
Sinamaan lang ako nito ng tingin at akmang babatuhin ng ballpen kaya agad akong kumaripas ng takbo palabas ng office.
Hahaha pikon talaga kahit kailan. Palagi ko kasing ginagawa 'yon sa kanya para pang-asar pero hindi pa rin siya nasasanay at palagi pa ring naiinis sa akin kapag ginagawa ko iyon.
Mukhang disappointed ata siya dahil hindi sa lips yung kiss.
Sa cafeteria sana ako bibili ng kape nang maalala kong hindi pala masarap ang kape dun kaya napagdesisyunan kong sa coffee shop nalang ni Yna dahil malapit lang din naman.
BINABASA MO ANG
What Are The Chances? (ProfessorXStudent)
FanfictionYndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echoes through the academic halls. However, beneath her calm facade, a surprising twist emerges. A tale...