Vaine Fleur
"Kinakabahan ako." hindi mapakali kong sabi habang naghihintay sa dressing room kasama sina Sunny at Snow.
"Ano ka ba, mag-relax ka nga. Hindi pa nag-uumpisa yung program parang hihimatayin ka na jan." pagpapakalma naman ni Sunny sa akin.
"First time ko 'to! Paano kung madapa ako mamaya sa stage o di kaya makalimutan ko yung sasabihin ko?" kinakabahan at sunod-sunod kong sambit.
"Hey, relax. Just sit down, okay?" sabi naman ni Snow sa akin sabay hawak sa kamay ko saka ako pinaupo.
"Alis muna ako, nag-text si Storm nandyan na daw yung gown na gagamitin mo mamaya. Kukunin ko lang." paalam naman ni Sunny tsaka lumabas na.
"Hey, look at me." pagkuha naman ni Snow sa atensyon ko saka ako hinawakan sa pisngi. "You can do it, alright? We're here to support you. Manalo ka man o matalo, proud pa rin kami sayo. Show them what you've got, love." seryosong sabi ni Snow saka tinapik tapik ang pisngi ko ng marahan na nakapag pangiti sa akin.
Love na talaga ang tawag sa akin ni Snow simula noon. Yun na din kasi ang lambing niya sa akin hanggang sa nakasanayan ko na rin na tinatawag niya akong ganun. Minsan lang yan maging sweet no kaya hindi na ako umangal.
"Thank you, Snow. You're the best." sabi ko naman sakanya saka ko siya niyakap.
"Alvarez." napahiwalay kami ni Snow sa isa't isa nang marinig namin ang boses na iyon.
"M-ma'am." nauutal na sambit ko saka agad na tumayo.
Teka, bakit ba ako kinakabahan? Para tuloy akong nahuli ng jowa na may kalandiang iba.
"Get ready, the show will start in 20 minutes." sabi naman nito saka muling binalingan ng tingin si Snow na walang reaksyon na nakatingin din kay Professor Xanther habang nakaupo pa rin. Ibinalik nito ang tingin sa akin saka ako inirapan at tumalikod na para lumabas.
Problema nun?
"Snow una na ako ha. Mags-start na." paalam ko kay Snow na tinanguan naman niya.
"Good luck, love. Just enjoy, okay?" bilin nito saka ako pinat sa ulo na parang bata at lumabas na.
Huminga muna ako ng malalim at nagdasala bago tuluyang lumabas at pumunta ng backstage.
"Girls, just remember everything that I've taught, okay? Do your best and just enjoy. Good luck everyone!" sambit ni coach Vienna.
"Yes, ma'am!" sabay sabay naman na sagot naming lahat.
"Relax, Vaine. You can do this." pagpapalakas ko sa loob ko habang nakatayo sa gilid at naghihintay na ng cue sa paglabas namin.
"Nervous?" napa-igtad ako sa gulat nang biglang may bumulong na sobrang lapit at ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga nito na tumatama sa tenga ko.
Agad akong napalingon at nakita ko si Professor Xanther na seryosong nakatingin lang sa akin.
"Ma'am. Pwedeng mag back-out?" naka-ngiwing tanong ko na ikinasama ng tingin niya.
"Stupid. Ngayon mo pa talaga naisip na umatras. Just relax and breath all of that shit out." sagot niya sa akin.
Wow, grabeng encouragement. Nakakawala ng kaba 👍🏻
"Take a deep breath. Trust in yourself and your abilities. Remember, it's okay to feel nervous, it's a sign that you care. Just take one step at a time, and you'll do great. Keep your head up, Alvarez. Good luck." muling sabi nito bago kami tawagin para mag-ready na sa paglabas namin.
Isa isa nang tinawag ang mga candidates at sakto namang panghuli ako kaya mas lalong lumala ang kaba na nararamdaman.
"And last but definitely not the least! Let us all welcome the College of Medicine!"
BINABASA MO ANG
What Are The Chances? (ProfessorXStudent)
FanfictionYndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echoes through the academic halls. However, beneath her calm facade, a surprising twist emerges. A tale...