El Preludio

169 7 1
                                    

Prelude


Milyon ang bilang ng mga estudyante na naka-asa sa scholarship sa buong mundo. Karamihan sa kanila, working student. Pinapa-aral o binubuhay ang sarili. Walang oras para sa pansariling kasiyahan. Maagang namulat sa realidad ng mundo. Alam kung ano ang halaga ng bawat segundo. At sa kung susumahin, nasama pa ako sa kanila. Isa ako sa bilang ng milyong estudyanteng pinapaaral ng mismong eskwelahan, gobyerno o mayayamang tao na nilabas sa isang article na nabasa ko kahapon.

Hinagod ko ang dulo ng lapis sa papel. Kung saan-saan na lumilipad ang isip ko. Resulta ng hindi mapakali kapag walang ginagawa.

"Siya ang top one sa ranking ko." mahina na turan ni Jayen sa tabi ko.

Hindi ko siya pinansin dahil busy ako sa ginagawang sketch. Nababagot na ako kakahintay sa last subject namin para sa araw na 'to. Hindi na nga ako mapakali. Alas-singko na. Alas-sais ang trabaho ko. Na-warningan na ako ng boss ko kahapon na pag late pa rin ako mamaya, tanggal na ako.

Hindi iyon maalis sa isip ko.

Bumuntong hininga ako at mas lalong diniin ang paghayod ng lapis sa papel.

"Huy! Tingnan mo kasi!" inalog niya ang braso ko kaya nasira ang ginuguhit ko.

Inismiran ko siya bago sinundan kung saan siya nakatingin. Hindi naman mahalaga ang ginagawa ko kaya ayos lang.

"Saan ba?" naiirita kong tanong dahil wala naman akong interes sa tinuturo niya.

"Ayon! 'Yong naka-jersey ng puti na may number eight sa likod!" ligalig niyang sambit. Kumunot ang noo ko pero nahanap ko rin naman agad. Dumaan sa may tapat namin, kabilang bahagi ng gymnasium at may hawak na bola ng basketball. "Kuren Mateo." pahayag niya sa pangalan.

Matangkad, maputi at malaki ang katawan. Maangas tingnan. Wala namang bago. Gan'yan naman talaga mga tipo ni Jayen.

At kung kiligin akala mo may pag-asa siya sa mga crush niya.

Aba, varsity kaya 'yan. Maingay ang pangalan. Malamang maraming may gusto d'yan.

Umiling-iling na lang ako at binuklat ulit ang sketch pad at nagsimula ulit gumuhit. Pero hindi ko pa nalalapag ang lapis sa papel ay hinila niya na naman ang braso ko.

"Ayon si second! Si Tyron!" turo niya sa isa pang naka-varsity ng basketball.

Nasira ang mukha ko sa kanya. "Hindi ba 'yan iyong na-issue na niloko girlfriend ang niya?"

Humarap siya sa akin. "Hindi naman confirmed iyon! Tsaka, crush ko lang siya! Happy crush lang." depensa siya agad.

"Akala ko ba si Wenco ang crush mo?" tukoy ko doon sa ka-block namin sa isang subject.

Tumango siya. "Oo nga. Pangatlo siya sa ranking ko."

Nagsalubong na ang kilay ko. Ngayon lang ako nakakita ng may limang crush sa campus at nilagay pa nga sa ranking.

Mabuti pa siya at may oras siya sa gan'yan. Ako wala. Kung may libre man akong oras, hahanap at hahanap lang rin ako ng paraan para maka-singit ng sideline. Hindi ko sasayangin ang oras kong isipin pa ang mga nag gagwapuhang lalaki dito sa University namin.

Maliban sa masyado silang mataas. Ibang-iba ang mundo ko sa mga estudyante sa eskwelahan na ito.

"Ewan ko sa'yo. Bored ka na naman kaya ka gan'yan." saad ko at pinagpatuloy na ang ginagawa.

"Crush lang naman! Wala naman akong sinabing papatulan ko sila lahat?! Inspiration lang pumasok dahil nakaka-haggard ang college!"

"Mas nakaka-haggard kung may part time ka pa." I said in a flat tone and flipped another paper.

That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)Where stories live. Discover now