dieciséis
Tinulak ko ang dibdib niya at naglakad palapit sa hagdan. Mabilis kong inangat ang sarili paalis sa pool. Patuloy ang mabibigat kong hakbang at hindi alintana na basang-basa ako. Hindi ko alam paano ako uuwi nito pero wala na akong pakialam.
Kumalat ang init sa aking dibdib. Ano'ng ginawa ko? Nagalit ba ako? Bakit?
Bakit ako umiyak?
Naiyukom muli ang kamao dahil sa halo-halong inis at kahihiyan.
"Vera! I am very sorry!" rinig ko ang pagsunod niya sa likod ko. Nagpatuloy pa rin ako at dumiretso kung nasaan ang bag ko. "Vera! Don't get mad. Please." naabutan niya na ako at hinawakan ang braso ko, dahilan upang hindi ko makuha sa sahig ang iniwan kong backpack.
Basang-basa kaming dalawa. Wala akong nagawa kundi ang harapin siya. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Umiwas ako ng tingin.
"Uuwi na ako..." binawi ko ang braso sa hawak niya at tahimik na kinuha ang gamit.
Pinanood niya lang ako. Hindi na ako nagsalita ulit at naglakad na.
"How can you go home like that? You'll freeze outside, Vera." pakiusap nito. Hindi ko na siya pinansin. Rinig ko ang pagbuntong hininga niya. "I'm sorry. I was really blanking earlier. I didn't notice you until you were shouting my name and you're in front of me. I apologize for making you worry..." sunod pa rin nito sa akin.
Kinagat ko ang ibabang labi at unti-unti nang naramdaman ang lamig.
"V-Vera... Ihahatid na kita pauwi. I have spare of clothes in my locker, you can use it—-" napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong bumagsak.
Mabilis ko itong nilingon at nanlaki ang mata ko nang makitang bumagsak ito sa sahig. Napatakbo ako sa kanya at hinawakan ang magkabilaang balikat nito. Hinarap ko siya sa akin. Iisipin ko sanang niloloko niya ulit ako pero dinaluyan ako muli ng kaba nang makitang namumutla na siya ulit.
"Juan! A-Ano'ng nararamdaman mo?" sinubukan kong kunin ang atensyon niya. Nakapikit na ang mata nito at nanghihina siya. Hinawakan ko ang ulo nito dahil matutumba na siya ulit, "D-Dadalhin kita sa clinic! Kaya mo bang tumayo?"
Tumango-tango ito. "S-Sorry... I can..." bulong nito at pinilit na inangat ang sarili. Tinulungan ko siyang makatayo.
"Nahihilo ka ba?" nag-aalala kong tanong. Hindi ko na hinintay na sumagot pa at tinulungan na siyang makalakad.
Mabuti na lang at may nasalubong kaming utility sa hallway. Nagpatulong na ako sa kanyang dalhin si Juan sa clinic. Nang maihatid ko siya ay bumalik ako sa pool area para kunin lahat ng gamit niya bago ko siya binalikan.
Pagdating ko ay tulog na tulog na ito pero napa-inom naman daw siya ng gamot bago siya nakatulog. Kinumutan ko ang buong katawan niya dahil hindi pa siya nagbibihis at lalamigin siya. Kahit ako ay hindi pa nakakapagbihis. Kaya bumalik ako sa locker ko para kunin ang p.e. uniform ko at 'yon na lang ang pinangpalit.
Pagod na pagod na ako pagbalik ko sa clinic dahil ang dami kong lakad simula kanina. Nakapagbihis na rin ako nang marating ko si Juan na gising at nagsusuot na ng tshirt.
"Anong pakiramdam mo?" lumapit ako sa kanya. Bago pa siya magsalita ay sinapo ko na ang noo niya kaya napaawang ang mga labi niya.
"I-I'm fine..." iwas niya ng tingin.
"Hindi. Hindi ka ayos. Nilalagnat ka." buwelta ko nang maramdamang sobrang init niya.
He pursed his lips. "It's just a fever." saad niya na parang basta-basta lang ang lagnat.
YOU ARE READING
That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)
RomanceVeronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to provide for their needs that she forgets that she... was also in her youth too. But when a nerdy, handsome, innocent looking and rich guy entered her life...