otso
"S-Sa library?" kumabog ang puso ko dahil ayaw ko nga muna siyang makaharap pero ito at parang sinasadya ng pagkakataon na magkrus talaga ang landas namin.
Tatanggapin ko na lang at pilit na kakalimutan ang kahihiyan ko. Wala naman akong choice.
Nagsalubong ang kilay niya at parang wala akong balak bitawan. "Why?"
Pinagdikit ko ang dalawang labi, "Halatang hindi ka umattend ng klase ni Ma'am Estella. Magkagrupo tayo sa reporting."
"She made me repair her computer in the faculty. Pabalik pa lang ako." paliwang niya.
"Well, tapos na ang meeting sa kanya. Nag-announce lang siya ng groupings para sa report sa Economics."
Hindi niya ako sinagot at natahimik lang siya. Hindi pa rin ako makaalis sa pwesto dahil hawak niya pa rin ang handle ng bag ko. Kulang na lang umangat na rin ako sa klase ng hawak at lakas niya.
"J-Juan... baka matanggal naman balikat ko." sita ko sa posisyon namin.
Doon niya lang ako naalala na binitawan. Pinasok na nito ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa. "You'll go to the library to check some books for the reporting?" tumaas ang kilay niya.
"Oo, marami pa namang time na natira sa klase ni Ma'am Estella."
Tumango ito at naglakad na. Ngumuso ako. Ano 'yon? Tinanong niya lang ako tapos ay nilampasan lang rin at iniwan?
Iikot na rin sana ako at magpapatuloy sa paglalakad nang magsalita siya ulit. Magkatalikod na kami, "I'll just get my things. Wait for me here," aniya bago ako tuluyang iniwan upang bumalik sa classroom.
Sasama talaga siya?
Bakit parang napapadalas ang pagsama niya sa akin? Pero sabagay report nga naman namin ito.
Wala pang dalawang minuto nakabalik na siya at suot-suot ang backpack niya. Meron na rin mga ibang estudyante na naglalakad sa hallway. Napa-aga kasi talaga ang pag walk-out ko kanina. Nagpatuloy ito sa paglalakad sa gilid ko, sasabay na sana ako sa paglalakad niya nang bigla niyang nilagay ang kamay sa backpack ko.
Parang malalaglag ang puso ko at nakalimutan ko atang huminga nang akala ko aakbayan niya ako. Sobrang bilis ng kamay niya, inayos niya pala ang nakusot sa backpack ko dahil sa pagkakahila niya kanina. He did it so smoothly and it looked like nothing for him.
"Let's go," tawag niya sa akin nang hindi ako nakaalis sa kinatatayuan.
Salubong ang makakapal na kilay nito sa ilalim ng makapal rin at itim niyang rim ng salamin. Seryoso ba sila? Ang gwapo-gwapo ni Juan kahit ganito ang ayos niya.
Ngumiti ako at hinabol na siya.
Hindi ko alam kung tinatago niya lang ba ang kagwapuhan niya kaya nagpapaka-nerd siya, hindi ako naniniwala na hindi siya aware na gwapo siya. Tumatalon ang puso ko sa mga ginagawa niya! Buti na lang hindi ko siya crush.
Pero naiintindihan ko na si Jayen. Kung anong nakita niya kay Juan.
"Wala ka bang ibang gagawin?" tiningala ko siya.
"Wala," malamig niyang sagot.
Natuloy nga kami sa pagpunta ng library para maghanap ng mga libro para sa Economics. Pero puno ang library, sigurado dahil malapit na naman ang examination at may mga nag-aadvance reading na. Kaya napagpasyahan namin na sa labas na lang mag-aral.
Kung ano-ano rin ang naaalala ko sa library. Mabuti nang wala kami roon.
Sa huli, sa mga benches sa tabi ng field kami napunta. Hiniram na lang namin ang mga libro. Hindi naman mainit dito dahil may malaking puno at mahangin. Hindi rin masyadong tao kaya tahimik, perfect para mag-aral.
YOU ARE READING
That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)
RomanceVeronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to provide for their needs that she forgets that she... was also in her youth too. But when a nerdy, handsome, innocent looking and rich guy entered her life...