Chapter XXVIII

88 5 1
                                    

veintiocho


Bigla akong natauhan sa tanong niya. Sinubukan kong kumawala sa hawak nito pero mas malakas siya sa akin, at pag nagpumiglas pa ako lulubog na ako sa tubig. Mariin ko siyang tinitigan, ang takot na namuo sa loob ko kanina ay unti-unti napalitan ng inis.

"Bitawan mo ako!" sigaw ko pero parang wala siyang naririnig.

Determinado siyang makarinig ng sagot. Parang kasalanan ko pa na nakita niya akong umiyak at ngayon ay kailangan niyang malaman kung bakit. Bakit niya pa gustong malaman? Dapat nga masaya pa siya na nakita niya akong umiiyak ngayon dahil sa sakit na naiwan ko sa kanya dati.

Pero baka ako na lang 'yon. Baka ako na lang ang naiwan sa nakaraan. Matagal na siyang naka-usad. Matagal niya nang pinili na kalimutan ako, ako na lang ang humahawak sa kung ano'ng meron kami dati. Kaya gusto niyang malaman kung bakit ako umiiyak, kasi siya... wala nang nararamdaman.

Lalong lumakas ang inis sa loob ko dahil sa mga naisip. Dahil doon ay pinilit kong nanlaban sa hawak niya, nakawala ako pero lumubog ang buong katawan ko sa tubig. Sobrang lalim pala nito! Hindi ko iyon naisip kanina dahil ang nasa isip ko lang ay iligtas siya!

Pero bago pa ako tuluyang lumubog sa ilalim ay hinila niya na ako pataas, he wrapped his arms around me for support and I was so shock how fast everything happen. Pinalis ko ang tubig sa mukha ko at kumuha ng hangin upang huminga.

"See? You'll drown if I let you go." turan nito.

Mainit na ang titig ko sa kanya. My stares were piercing into him but there was no trace of any fear in him. My chest was clenching with so much emotion I was feeling. My arms were in our middle, halos nakapatong na sa dibdib niya. Hindi ko alam kung kaninong tibok ng puso ang nararamdaman ko dahil sobrang lakas.

His eyes didn't leave me either. "Answer me," ulit niya.

Ngayon mas lalong wala na akong kawala sa kanya. Pag binitawan niya ako lulubog ako, at pakiramdam ko wala na rin akong lakas na lumangoy pa kung sakali. Nanghihina na ako sa mga nangyayari. At kapag hindi ko siya sasagutin ngayon, baka buong gabi kaming nakababad dito!

"B-Bakit gusto mong malaman?" I tried to sound confident but my voice shook. I felt how my face heated.

He pursed his lips. "I asked first. Answer me, Vera."

Gusto kong magreklamo. Naco-corner niya ako at hindi ko alam bakit niya ginagawa 'to!

I raised my chin, almost leveling his eyes. "Hindi ko kailangan sabihin sa'yo lahat ng mga ginagawa ko at nangyayari sa akin. 'Wag mo akong pilitin." Sagot ko, hindi nagpapatinag.

Pero parang wala rin siyang balak magpatinag. "That's the first question I gave you after seeing you for a couple of days and after ten years, ipagdadamot mo pa?" bitterness was obvious in his tone.

Para akong nasampal ng katotohanan. Na ako ang may kasalanan sa kanya at walang-wala ito para makabawi. Sagot lang. Iyon lang ang hinihingi niya hindi ko pa mabigay. Pero hindi ko naiintindihan bakit gusto niya pang malaman. Masaya na siya sa buhay niya, wala na siyang pakialam sa akin.

"M-Magtanong ka ng iba. Hindi ko sasagutin ang tanong mo." pagmamatigas ko pa rin.

His brows furrowed and he didn't look pleased at all with all of my responses.

"You thought I was drowning, you jumped with your expensive clothes on just to save me."

"Malamang, kahit sino namang malunod—--"

"I am not done, let me finish." naiinis niyang putol sa akin.

Sinara ko ang bibig at hindi na nagsalita.

That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)Where stories live. Discover now