Chapter III

75 4 0
                                    

tres


Hindi ata ako nakatulog ng maayos kagabi. Paikot-ikot ako sa kama at hindi mapakali. Hindi kasi ako nirereplyan ni Juan! Naka-ilang chat ako kagabi sa kanya pero hindi ata siya nag-online. Hindi ako mapalagay na nagdeposit siya ng gaano'n kalaking halaga sa account ko!

Hanggang pag gising ko kanina, tinignan ko pa kung nagkita niya na o nagreply na siya pero wala pa rin!

Please lang, Juan. Mag-online ka na.

Miss Anonymous:

Hi Juan! Mali ata ang amount na nadeposit mo?

Kailangan ko itong mabalik.

Please, reply ASAP.

'Yon ang huling mga chat ko sa kanya. Paulit-ulit kong binabasa iyon na para bang may magbabago kapag tinitigan ko. Inaantay ko kasi talagang mag-active ang account niya.

Wala naman kasi akong ibang way para ma-contact siya. Hindi ko alam ang personal na account niya, sinubukan kong hanapin sa facebook kagabi pero wala akong nakita. Hindi ata siya ma-social media na tao.

Hindi ko rin alam ang number niya. Dapat ata kunin ko na? Para sa mga ganitong pagkakataon.

Pero hindi naman kami gano'n ka-close. Baka isipin niya hinihimasok ko ang privacy niya. Ni hindi ko rin alam kung ano'ng course o department niya! Hindi ko naman pwedeng tanungin ulit kay Jayen ang mga bagay-bagay kay Juan dahil baka makatunog na siya.

Nangako ako kay Juan na confidential sa amin ang services ko. Kailangan kong respetuhin kung ayaw niyang may makaalam. Lalo na si Jayen, madaldal 'yon. Crush niya pa naman.

Kaya wala. Kung hindi siya magre-reply sa akin ngayon walang ibang paraan para makuha ko ang peace of mind ko.

I bit the tip of the nail of my index finger while my left hand was holding my phone. Pumasok na ako sa pinto para sa klase ko, nang bumangga ang kaliwang braso ko sa braso rin ng kasabay kong pumasok. A hard and sturdy one. Dahil doon ay muntik ko nang mabitawan ang cellphone, mabuti na lang nahawakan ko agad ng mabuti.

Kakatapos ko lang bayaran 'to! Wala pang isang buwan na fully paid galing sa plan!

Hindi kami nagkasya sa pinto dahil sabay kaming pumasok. The person who bumped me was huge so he almost squashed me. Hindi tuloy ako makaalis kung hindi siya mauuna. Gulat akong napatingala at mas lalong nalaglag ang panga ko nang magtama ang mata namin.

His deep mysterious and mesmerizing eyes darted into mine. My eyes widened in fraction seeing him in flesh in front of me. He even titled his head to see my face clearly.

Umawang ang labi ko at muntik nang mabanggit ang pangalan niya pero napigilan ko pa ang sarili.

I almost mouthed Juan.

Bumaba ang mata nito sa cellphone ko bago binalik ang mata sa akin. I was too stunt to even move.

"Excuse me? Vera?"

Bigla na lang itong naglakad papasok nang may tumawag sa akin. Nauna na itong tumungo sa mga upuan at iniwan ako. Hinawakan ko ang dibdib upang ikalma ang sarili bago hinarap ang tumawag sa akin.

"V-Vin?" tawag ko dahil hindi ata siya nakadaan kanina dahil nakaharang kami ni Juan.

He chuckled at me. "Ayos ka lang?" natatawa niyang tanong. Nakita niya siguro na muntik na akong maipit dahil sa laki ni Juan.

Tumango ako sa kanya at naiilang na ngumiti. Muntik na 'yon.

"Oo. Ayos lang." patay malisya ko.

Hihinga na sana ako ng maluwag nang bumalik sa ala-ala ko kung ano ang kina-i-stress ko. Humarap ako agad kung saan umupo si Juan. Nakapwesto na ito. Wearing his usual uniform again, hair down and black thick rim eyeglasses. Isa-isa niyang nilabas ang mga gamit niya sa desk niya.

That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)Where stories live. Discover now