Chapter XXVI

187 10 5
                                    

veintiséis


"Ate?" hindi maipaliwanag ang tono ni Moris. Ilang segundo rin akong natigilan dahil baka nagkakamali lang ako. Ngumiti ako sa kanya bilang sagot. Lumiwanag ang mata nito at tuluyang lumapit upang yakapin ako. "Ate! A-Akala ko makikilala kita agad!" bulong nito.

Airport was not one of my favorite places. Although it never failed to give me chills and excitement, it was also counter-parted with pain. And those memories never left me. So, standing here again without the heaviness but instead all I could feel was pure joy sent me to a different level of pleasure.

Sinagot ko ang yakap niya ng mahigpit. I'm home. I am home. Nagluha ang mata ko dahil sa saya at sakit na nararamdaman. Halo-halo na ang pakiramdam ko pero nangingibabaw ang saya sa akin.

"Na-missed kita!" dugtong pa nito.

Lalo ko siyang niyakap ng mahigpit. "I missed you too... mas matangkad ka na sa akin." I tried to chuckle it out but my voice was shaking a little bit. No, my whole body. Parang nagdiriwang ang buong pagkatao ko sa sobrang saya.

Nasa Pilipinas na ako! Kasama ko na ang pamilya ko! Hindi ako nagsisisi na ito ang pinili ko. Hindi ako nagsisisi. Pumikit ako ng mariin upang lalong madama ang lahat bago ako kumalas ng yakap kay Moris.

"Huling kita ko sa'yo batang-bata ka pa... dalaga ka na." hindi makapaniwala kong sambit. Pakiramdam ko nananaginip lang ako.

Tumawa ito at umabot iyon hanggang mata niya. Hindi niya ako kamukha noong nasa edad ko siya, kamukha niya si Mama. Kamukhang-kamukha niya.

"Syempre, ate... ga-graduate na nga ako. Matagal na rin akong hindi nag gagamot kaya masigla na ako! Wala na akong sakit o!" masaya niyang tugon.

Uminit ang dibdib ko. Tama, wala na siyang sakit. Magaling na si Moris. Paulit-ulit kong sabi sa sarili. Para talagang panaginip.

"Welcome back, Vera... ang laki na nang pinagbago mo." lumapit sa akin si Auntie Issa at niyakap rin ako ng mahigpit. Sumunod rin ang mga pinsan kong mas matatangkad na rin sa akin kahit ka-edad lang nila si Moris.

"Auntie! Na-miss din kita!" yakap ko pabalik. "Kayo rin, Riley at Cassy!"

Hinarap na ako ni Auntie at parang hindi niya pa rin siya makapaniwala na sa wakas nasa harap na nila ako. Na para bang nananaginip rin siya at nandito na talaga ako. Matapos ang ilang beses na attempt kong umuwi, kahit ilang beses niya na akong pinilit hindi talaga ako nakauwi. Kahit gustuhin ko man, sadyang hindi gusto ng pagkakataon.

"A-Akala ko... hindi na kita makikita ng personal. Medyo kinabahan na akong doon ka na talaga titira." naiiyak pang saad nito.

Hinawakan ko ang kamay nito at umiling-iling. "Hindi po, Auntie. Nandito po ang pamilya ko, nagtyaga lang ako doon para makapag-ipon." paninigurado ko.

Pinunasan nito ang luha sa gilid ng mata niya at tumango. "Mabuti naman. Proud na proud kami sa'yo."

Wala nang magpaglalagyan ang saya ko. "Opo. Umuwi na po tayo at doon na tayo magkwentuhan." yaya ko dahil madilim na rin at palalim na ang gabi.

Lumapit na kami sa isang naka-park at naka-hazard na sasakyan, pamilyar ito sa akin. Agad iyong tinuro ni Auntie na parang alam niya na kung ano ang naglalaro sa isip ko. "Ito na ang sasakyan na nabili mo Vera. Magagamit mo na." paliwanag nito. "Minsan lang magamit gamit sa bahay lang naka-garahe at wala naman marunong sa amin maliban kay Riley. Siya na rin ang nagdrive papunta dito."

Tumingin ako kay Riley at ngumiti.

"Wala pang gas-gas 'yan, Ate." nahihiya nitong saad at kumamot ang batok.

That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)Where stories live. Discover now