Chapter XIII

56 3 0
                                    

trese


I was nervous all throughout the pageant. Nasa gilid lang ako ng stage at tahimik na pinapanood sila Juan. The moment he stepped on the platform kumakabog na ang puso ko.

Sa kaba ko hindi ko na namalayan ang paglipas ng oras. Bawat pagkakataon na lalabas si Juan sa stage pati ako kinakabahan. Ilang beses ko pa siyang tinanong kanina kung ayos lang ba siya, kaya niya naman daw.

At mukhang nagsasabi siya ng totoo dahil kanina pa siya kalmado. Siguro malaking tulong rin na katuwang niya ang partner niya para maitaguyod bawat portion ng pageant. Simula introduction, talent portion kung saan kumanta ang partner niya at nag guitara naman si Juan, nagulat nga akong alam niya pala tumugtog. Question and answer na nasagot naman niya ng maayos.

At ngayon nga announcement na ng winners. Kanina pa naghihiyawan ang tao simula lumabas si Juan ng stage. Parang hindi sila makapaniwala na si Juan ang nakita nila. Naiintindihan ko naman. Kung ano ang una kong reaksyon nang makita kong walang salamin si Juan, ganoon rin sila.

Parang nagbago ang ihip ng hangin.

"Si Juan ba talaga 'yan? Parang dinadaya ako ng mata ko!"

"Hindi ako nagkamali! Matagal ko nang crush 'yan si Juan, maayusan lang talaga siya may itsura naman talaga!"

"Sobrang pogi pala si Juan? Mas lamang pa siya kay Kuren kung tutuusin! Bakit ngayon niya lang ni-reveal 'yan?!"

'Yan ang mga paulit-ulit kong naririnig na bulungan sa audience. Naging hot topic na ng lahat si Juan hindi pa natatapos ang competition.

"Congratulations! Candidate No. 3 and No. 5! Juan Theordore of Business Administration and Klarise Marquez of the Engineering Department!"

Nahiyawan ulit ang mga tao. Pumapalakpak ako. Nanalo sila ng partner niya! Parang sasabog ang puso ko sa tuwa at sa wakas ay na-survive ni Juan ang competition!

Sunod-sunod na ang pagsigaw nila ng pangalan niya at nag-ce-celebrate na ang Business Ad department. Tinawag na sila sa harap at habang nilalagyan ng sash si Juan ay hindi mapakali ang mata niya. Para alam niya kung saan ako nakapwesto simula umpisa at mabilis niya akong nahanap. I smiled widely at him and give him a thumbs up. Pumalakpak ulit ako.

"Ang galing mo." I mouthed dahil kahit naman sumigaw ako dito hindi niya maririnig sa ingay ng buong lugar.

He smiled back at me. "Thank you." he mouthed. Meron pa siyang sinabi kasunod no'n pero hindi ko na masyadong naintindihan.

Ngumiti na lang ulit ako sa kanya para makapag-focus na siya sa moment niya.

"Go! Juan! I love Business Ad!" sigaw ng isang babaeng nakaupo sa pinaka-harap.

Umiling-iling na lang ako.

"Once again! Our Mr. and Ms. Monroane of the year! Juan Theodore Valcarcel and Klarise Marquez!" anunsyo ng host.

Doon na natapos ang event buong araw. Mga a-alas onse na rin natapos. Kaya lang hindi pa ako makakauwi agad dahil kami ang organizer at aayusin namin ang mga naiwan dito.

Ayos na ako. Palagay na rin ang puso ko. Ang mahalaga, naka-survive si Juan sa paglabas sa comfort zone niya. Natulungan ko pa siya. Hindi naman ako nagkulang kasi all throughout the process, nasa tabi niya ako 'di ba?

At base sa suporta na nakuha niya kanina, alam ko maganda ideya ang ginawa ni Juan.

Na kaya niya pala. May na-achieved na naman sa buhay ang lalaking 'yon.

"Anong nginingiti-ngiti mo?" pukaw sa akin ni Ara.

Hindi ko namalayan na naka-ngiti na pala ako mag-isa. Tumingin ako sa kanya at umiling-iling bago binigay sa kanya ang listahan.

That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)Where stories live. Discover now