once
Bukas-sara ang bibig ko. "I-Isa ako sa mga organizer... hindi ko naman pwedeng pabayaan na lang, kaya pumunta ako. Hindi ako nakauwi agad." paliwanag ko.
Kinagat ko ang ibabang labi at umiwas ng tingin nang sumilay ang mga guhit sa pagitan ng kilay niya. Ngunit humugot na lang rin ito ng malalim na hininga at inayos ang salamin.
"Tapos ka na? Uuwi ka na?"
Tumango ako. "Oo... naghihintay rin sa akin si Moris."
Binasa nito ang ibabang labi at tinignan ang relos niya. "I still have ten minutes, maybe I could still—-"
"Ay! Hindi na Juan!" pigil ko agad. Ihahatid niya na naman ako. Umiling-iling ako. "Kaya ko na. Maaga pa naman kaya makakasakay pa ako ng jeep. May practice ka, bumalik ka na doon." umikot ako sa likod niya at pilit na siya tinulak pabalik ng gym.
"But I am still in break—-"
"Magpahinga ka na lang. Makipag-socialize ka sa mga kasama mo. 'Wag mo na ako isipin." tinulak ko na siya papasok bago tumakbo. "Bye!" paalam ko bago tuluyang makalayo.
Kinabukasan ay nagkita ulit kami ni Juan para sa reporting namin. Natapos rin naman agad at walang naging problema. Ngayon ko lang napatunayan na nerd talaga si Juan, hindi siya nagpapanggap. Inaral niya pa ata kagabi ang report namin kahit pagod na siya.
Tinusok ko ang chicken pops sa plato ni Jayen. Tumingin siya sa akin habang iniinom ang pineapple juice niya.
"Cinema tayo mamaya." yaya niya bigla.
Agad na bumaling ang ulo ko sa kanya. "Bakit?" hindi naman kami mahilig manood.
"Showing ng movie ni Cian. Panonoorin ko syempre, bilang support."
Nalukot ang mukha ko. "Kaano-ano ka ba niya?"
Sikat na sikat dito sa Monroane 'yon. Dito kasi nag-aral ng filming. Ang alam ko may asawa na 'yon, ano ba 'to si Jayen. 'Di maka-move on.
Inismiran niya ako. "Fangirling lang, okay? Ang seryoso mo naman. Tsaka pride ng school natin 'yon, gusto ko lang panoorin."
Nagpatuloy na lang ako sa pagkain.
"Wag mo sabihing may gagawin ka na naman mamaya? Ano ba ang pinagkaka-abalahan mo? Baka ano na 'yan ha."
Muntik akong mabilaukan. Nabitawan ko ang tinidor at inabot naman sa akin ni Jayen ang pineapple juice. Hinampas ko ng bahagya ang dibdib dahil parang bumara ang manok sa lalamunan ko.
"Vera naman!" kabado niyang sigaw at hinagod ang likod ko.
Nakuha tuloy niya ang atensyon ng ibang mga kumakain sa cafeteria! Ang iba ay napalingon na sa amin. Lalo akong na-pressure at parang malalagutan talaga ako ng hininga, nang makita ko si Juan na nakaupo 'di kalayuan sa mesa namin!
Ininom ko ulit ang juice at nakita ko itong tumayo. May pag-aalala sa mukha. Napa-angat ako ng upo at pinukpok ulit ang dibdib. Bumaba na ang bumara sa lalamunan ko. Ininom ko ulit ang juice at hinahagod pa rin ni Jayen ang likod ko.
Nalimog ang mata ko nang mahuli si Juan na papalapit na sa amin. Pinandilatan ko siya ngunit parang wala lang sa kanya!
"Ayos na ako! Okay na!" nilakasan ko ang boses para marinig niya.
Napatitig sa akin si Jayen. Inalis ko na ang kamay niya sa likod ko. "Okay na ako." ulit ko.
Nawala na rin ang ibang mga atensyon sa amin.
"H-Hindi mo naman kailangan sumigaw sa mukha ko." bulong nito at umayos na ng upo.
Bumaling muli ang mata ko kay Juan at imbis na dumiretso sa amin ay naglakad na ito palabas mg cafeteria. Nakahinga na ako ng maluwag.
![](https://img.wattpad.com/cover/372768689-288-k654486.jpg)
YOU ARE READING
That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)
RomanceVeronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to provide for their needs that she forgets that she... was also in her youth too. But when a nerdy, handsome, innocent looking and rich guy entered her life...