Chapter XXIX

104 3 0
                                    

veintinueve


Juan left me stunned that day. I didn't even get to say a thing. Siya na ang nagsara ng pinto ko at hindi man lang hinintay ang sagot ko, kaya sigurado ako wala naman talaga siyang hinihintay na sagot. Gusto niya lang sabihin sa akin para alam ko.

So many things have really changed about him. His confidence was on the top of the roof. Parang hindi siya ang nagsabi sa akin no'n. The Juan I knew, the Juan I loved, was very considerate. I guess time really changes people.

I sighed when I entered the office and a bouquet of white tulips welcomed my eyes. It was placed on my usual spot on the long table at alam ko na agad kung kanino galing iyon. Nitong mga nakaraang araw, unti-unti na akong pinapakaba ni Juan. At isa na nga doon ang pag-iiwan ng bulaklak sa desk tuwing umaga.

I don't know if I should be fluttered dahil ngayon lang ako nakakatanggap ng bulaklak. Galing pa kay Juan. But the fear of the unknown that if I let these things happen it might hurt someone at the end again... is keeping me from embracing it.

"Oh! May bulaklak na naman? May nanliligaw talaga sa'yo dito sa institution!" napansin rin agad ni Maricel iyon pagkapasok niya palang ng pinto.

Umiling-iling ako at nilapitan na iyon. I took it with one hand and smelled it. He sends me fresh flowers everyday. At least it brightens up the mood and the whole place. I smiled.

"Sino ang manliligaw mo Vera? Bakit ayaw mong sabihin sa akin?" usisa pa nito at nilapag ang gamit sa mesa. "Isa ba sa mga engineer natin?"

Humarap ako sa kanya. "Hindi ako nagpapaligaw lalo na sa trabaho. Hindi ko alam bakit laging may bulaklak sa mesa ko, pero mas maganda na rin siguro na meron dito at libre na ang bulaklak na ilalagay sa vase." I chuckled.

"Pihikan ka pa rin ngayon? Hindi ka pa rin pala nagbabago. Pero kailan mo balak magboyfriend? Wala ka naman na atang ibang iniintindi sa buhay."

I pursed my lips, dahil wala rin akong ideya kung kailan.

Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip ni Juan, o kung ano ang plano niya. Pakiramdam ko hindi ko siya mapipigilan. Pero ayoko maging makasarili. I hurt him before, do I deserve to have him in my life again? Do I even deserve to start having feelings for him again?

"Hindi ko alam, Maricel. Bahala na. 'Wag mo nang isipin 'yan at magtrabaho na tayo." pag-iiba ko at umupo na sa upuan.

Days passed again and Juan was very consistent with whatever he's trying to do. Ngayon hindi na lang si Maricel ang nang-aasar sa akin kundi pati mga engineers namin dito. Panay na ang tanong nila sa akin kung sino ang manliligaw ko, kahit wala naman akong matandaan na pumayag akong may manligaw nga. Paano ba naman, palaki ng palaki ang mga bulaklak na natatanggap ko. Sumasakit na rin ang ulo ko kung saan ko sila lahat ilalagay.

"Isang linggo ka nang araw-araw may bulaklak, Ma'am. Determinado ang manliligaw mo ah!" kantyaw ng isa sa mga engineers namin.

I heavily shook my head as I waited for my coffee. I went to the pantry para kumuha ng kape at magising ang diwa ko sa readings na ginagawa. Kaya lang naabutan ko silang nagmemerienda rin dito.

"Hindi naman po ako nagpapaligaw." balik ko at kinuha na ang paper cup sa coffee machine.

"Kanino pala galing ang mga bulaklak? Sino ba ang maglalakas ng loob na bigyan ka lagi sa trabaho kung hindi ka pumayag, Ma'am Vera?"

Napahugot ako ng malalim na hininga dahil sa sinabi. They're smart and I think if they'll dig deeper they will eventually realize who it is. Instead of answering I just sipped on my hot coffee not only to be interrupted by a scream.

That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)Where stories live. Discover now