Chapter XVIII

199 8 8
                                    

dieciocho


"Uuwi ka na?" kaswal na tanong ni Juan habang papalabas kami ng building. Mag a-alas otse na ata ng gabi.

Nagkibit-balikat ako.

Lumingon siya sa akin at kumunot ang noo. "Hindi pa? What about Moris?" anito na parang nakuha ang ibig kong sabihin.

"Ayos lang. Nandoon siya kela Auntie Issa ngayon. Mag-overnight daw sila ng mga pinsan namin."

"Bakit hindi ka sumama?"

Natawa ako. "Masyado na akong matanda para sumama pa sa kanila. Tsaka hindi ako makakatulog ng maayos doon. Uuwi na lang ako sa apartment." paliwanag ko.

Nakalabas na kami at katulad ng palaging gawi, halos ubos na ang mga estudyante.

"You're alone tonight? Are you fine with that?" humarap siya sa akin, sa balikat ay nakasabit ang duffle bag.

Tumango ako. "Oo naman. Sanay na ako, hindi naman ito ang unang pagkakataon na wala si Moris sa apartment."

Tinitigan niya lang ako bago bumuntong hininga. "What about Moris' meds? You gave to her?"

Gusto ko ulit matawa pero mukhang seryoso si Juan. Nag-aalala talaga siguro siya para sa kapatid ko, namamangha lang ako na close na rin silang dalawa at pati mga gamot at pag-inom no'n ni Moris, alam niya.

"Oo, alam ni Auntie Issa ang schedule ng pag-inom ni Moris. Tumira rin kami sa kanila dati kaya walang problema. Salamat sa pag-aalala, pero ayos lang kami ni Moris." ngumiti ako sa kanya.

Bumigat ang talukap ng mata nito at unti-unti rin na sumilay ang ngiti sa labi. Natahimik kami saglit bago siya muling nagsalita.

"You want to eat dinner with me?" alok niya.

Nanlaki ng bahagya ang mata ko dahil hindi ko inaasahan 'yon. Sa pagkatao kasi ni Juan mas iisipin kong bibili lang siya ng pagkain at ibibigay sa akin, hindi niya ako aayain dahil masyado siyang mahiyain para doon.

Kung hindi ko pa nga siya kinomprota dati noong hinihintay niya akong makasakay ng jeep, hindi siya maglalakas loob na ihatid rin talaga ako.

"S-Sigurado ka?" alangan kong sabi.

Kumunot ang noo niya pero may ngisi sa labi. "Yeah, why?" humakbang ito palapit.

"W-Wala. Nagulat lang ako. Wala rin naman kasing ibang dahilan para yayain mo ako."

Nagtama ang mata namin habang sinasabi ko iyon. Akala ko mag-iiba kahit papaano ang ekspresyon niya at sasang-ayon sa akin. Pero walang nagbago.

"There is,"

Medyo lumapit ako dahil mahina ang boses niya. "Huh?"

"There's a reason... why I asked you for dinner."

Tumango ako. "Ano?" kuryuso ko.

"You're special to me." his eyes slowly lit up. "Remember?" he asked sweetly.

Tumibok ng mabilis ang puso ko at napaawang ang bibig. "O-Oo... naaalala ko... s-sinabi mo." umiwas ako ng tingin.

Parang ako pa ang nahiya kahit sa kanya naman galing iyon. Espesyal rin naman si Juan sa akin, hindi ko naman siya kakausapin ng ganito kung hindi. Pero hindi ko naman inaamin basta-basta!

"Good. Now we can eat together. Where do you want to go?" hinila niya na ako papunta sa parking.

Sa huli ay napunta rin kami sa isang fast food chain sa loob ng mall. Ito na kasi ang pinaka-malapit at na-blanko rin ang utak ko para mag-isip pa ng ibang pagkakainan.

That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)Where stories live. Discover now