Chapter IX

75 5 0
                                    

nueve

"K-Kailangan pala ako ni Jayen ngayon! Magkikita kami!" iniwas ko agad ang tingin at nagsimulang inayos ang gamit. Kinuha ko na ang bag sa kabilang bahagi ng upuan, hindi ko alam kung paano napunta doon.

Tumayo na ako, tahimik lang ito habang pinapanood akong mataranta. "Alis na 'ko, bukas na lang natin ito ituloy. M-May lakad pa pala ako..." pagpapaalam ko.

He looked at me suspiciously, maybe because I also didn't answer his question.

Bakit niya kasi alam?! Sino nagsumbong?

He licked his lower lip, "Alright,"

Tumango-tango ako at niligpit na rin ang mga kalat. "A-Ako na magtatapon nito. Wag mo na ibalik ang mga libro  gagamitin natin bukas! See you sa session mamaya!" kumaway na lang ako sa kanya at tumakbo na. Hindi ko na hinintay na makasagot pa siya ulit.

Ramdam ko ang pag gapang ng init sa aking pisngi. Patong-patong na ang kahihiyan ko kay Juan!

"May bumagsak bang bulalakaw o may snow na sa Pilipinas?" manghang sambit ni Jayen nang makita niya akong papasok ng salon.

Inismiran ko ito at umupo na lang sa katabi niyang styling chair. Nagpapa-treatment ito ng buhok. Matagal niya na akong niyayaya dito pero hindi ako sumasama, dagdag gastos lang para sa akin ang ganitong mga pamper day. Kahit naman sinasabi ni Jayen na libre niya ito, nakakahiya naman na ipa-bayad sa kanya kung ako ang nakinabang.

Hinihingal pa akong nagpahinga sa upuan, isang sakayan lang naman ng tricycle ang salon galing school pero para makatipid, nilakad ko na lang. Ni hindi ko alam kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko, sanay naman akong maglakad ng malayuan kahit mainit.

"Hi, Ma'am." bati sa akin ng naglalagay ng treatment sa buhok ni Jayen.

Ngumiti ako sa kanya. Bumalik ang mata ko kay Jayen na ngising-ngisi ngayon. "Tubig mo ba 'to?" tanong ko sa babasaging baso na nakapatong sa maliit na mesa sa harap ng salamin.

Tumango siya. Kinuha ko iyon agad at nilagok hanggang maubos. Grabe, uhaw na uhaw pala ako! Naubos ko naman ang iced coffee kanina ah?

"Anong nangyari? At napasugod ka dito? Bakit haggardous ka?"

Binalik ko na ang baso at umupo ng maayos sa styling chair. Ayos pala dito, malambot ang upuan at naka-aircon pa. "M-Magpapaayos?" kumamot ako sa ulo. Magkano ba 'tong mga ganito?

Kuminang ang mga mata ni Jayen. Kung nakakagalaw lang siya ng maayos dahil sa mga treatment sa buhok niya, niyakap niya na siguro ako sa tuwa. Pumapalakpak ito. "Ganyan dapat! Bakit ngayon mo lang naisip?! Magpapatawag ako ng gagawa sa'yo!" tinaas nito ang kamay at automatic na may lumapit sa amin na empleyado.

"Ma'am?"

"Buong session sa kanya!" ligalig na turo sa akin ni Jayen.

Nanlaki ang mata ko at napabalikwas sa pagkakaupo. "J-Jayen! Sa buhok lang, wala akong budget dito!"

"Akong bahala sa'yo! Minsan mo lang ako pagbigyan e!"

"Nakakahiya!"

She hissed. "Birthday gift mo na ito sa akin! Pagbigyan mo na ako." she batted her eyelashes.

Napabuntong hininga na lang ako. "Ngayon lang." pagsuko ko.

"Malamang alam kong ngayon ka lang susulpot! Sagarin ko na." tumingin ito sa empleyado gamit ang repleksyon sa salamin. "Paki-prepare na po. Veronika Higuera na lang ang ilagay mo sa records niya. Thank you." anito.

"Copy po," sagot ng empleyado at umalis na saglit.

Bumalik agad ang mapanuring mata sa akin ni Jayen. "Ano'ng nangyari? Bakit nga nandito ka?"

That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)Where stories live. Discover now