quince
Hawak-hawak niya ang kamay ko hanggang makalabas kami ng entrance ng ospital. Wala akong nagawa kundi ang magpatinaod sa kanya, hindi lang dahil sa mas ramdam kong gusto niya nang umalis dito, mas nag-aalala ako sa kanya. Kaya hinayaan ko na siya para makaalis na kami. Kahit doble-doble rin ang kabog ng dibdib ko.
Bumaba ang mata ko sa kamay kong hawak niya. Sakop-sakop niya iyon ng buo gamit ang kamay niya. Para may kuryenteng dumaloy sa aking buong katawan. Huminto na kami sa harap ng ospital at lumapit sa amin ang isang lalaki upang ibalik ang susi ng sasakyan kay Juan.
"Thank you." ani Juan bago ako hinila papalapit sa naka-abang niyang sasakyan sa gilid. Siya na rin ang nagbukas ng pinto para sa akin at hinawakan ang ulo ko upang hindi ako mauntog pagsakay.
Napatingin ako sa kanya at parang nahigit ang hininga. "S-Salamat," utal kong sambit.
Tumango lang ito at doon niya lang binitawan ang kamay ko. Sinara niya na ang pinto at umikot para pumasok sa driver's seat. Hindi na ako naka-imik ulit dahil hindi ko inasahan ang nakita sa mukha ni Juan. Hindi ko napansin kanina dahil nakayuko siya, pero nang makita ko nang malinaw ngayon, parang piniga ang puso ko.
Nakapasok na siya at pinaandar na ang sasakyan. Tahimik lang ito habang papaalis na kami. Sumandal ako sa backrest at niyakap ang backpack ko na nakapatong sa hita, hindi inaalis ang mata sa kanya.
Napatitig ako sa namumula niyang pisngi, pababa sa panga niya. Nasugat pa ata ang pisngi niya. Hindi niya naman iniinda. Parang wala lang sa kanya, wala siyang reklamo. Pero sigurado ako masakit. Wala lang akong nakikitang bakas sa mukha niya.
Gusto niya bang itago? Ayaw niyang makita ko na naaapektuhan siya? O nasanay na siyang ganyan?
Masyado kang mabait, Juan.
"Where's the intersection again? That one?" tanong niya at doon ko lang napansin na malapit na kami.
Napatuwid ako ng upo pero nilampasan ko lang ng tingin ang kanto papasok sa amin. Alam naman ni Moris na late ako makakauwi.
"Vera?" baling nito sa akin.
"Pwedeng pakihinto doon sa convenience store? May dadaanan lang ako." turo ko sa malapit na tindahan.
Tinignan niya lang ako sandali bago bumuntong hininga at tumango. Ginilid niya na ang sasakyan at nang huminto iyon ay bumaba na ako agad. Hindi ko na siya hinintay at mag-isa akong pumasok sa loob, dumiretso ako sa mga freezer at kumuha ng yelo doon.
Pwede na siguro ito.
Kumuha rin ako ng ointment bago lumabas ulit dala-dala ang isang paperbag. Nakapark na ngayon ang sasakyan niya sa harap ng convenience store, katatapos niya lang ata i-park. Binuksan niya palang ang pinto ng driver's seat ay sinalubong ko na siya. Tumayo ako sa gilid niya kaya hindi siya tuluyang nakababa.
"What did you buy? Food? For Moris?"
Hindi ko siya sinagot. Pinahawak ko sa kanya ang paperbag at may kinuha sa bag ko.
"O, this is cold. What's this, Vera?" gulat niya.
Inunat ko ang panyo bago binawi sa kanya ang paperbag para kunin ang yelo na naka-plastik. Binalot ko iyon ng panyo at tahimik lang ako habang ginagawa iyon. Natahimik rin siya at bumuntong hininga nang mapagtanto ang ginagawa ko.
"Vera..." tawag niya at hinawakan ang palapulsuhan ko.
Nagtama ang mata namin. He gave me weak and pleading eyes. "I'm sorry. I dragged you to the hospital and you saw what happened... hindi na dapat kita dinamay dito." he sounded so sorry.
YOU ARE READING
That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)
RomanceVeronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to provide for their needs that she forgets that she... was also in her youth too. But when a nerdy, handsome, innocent looking and rich guy entered her life...