viente
"Ano'ng ginagawa mo?" Natatawang kong tawag sa kanya, pero hindi ko na rin napigilan ang sarili at gumaya.
Nadatnan ko siya sa cafeteria na inaayos lahat ng upuan at mesa na iniwan ng mga estudyante. Binabalik niya lahat sa tamang ayos. Luminga-linga ako sa paligid at nakita ang janitor na kumain ng sandwich malapit sa exit ng cafeteria.
Bumalik ang mata ko kay Juan na patuloy sa pag-aayos ng upuan. Sigurado ako, pinangbili niya iyon ng pagkain at siya na ang nagpresentang maglinis at mag-ayos dito para makapag-pahinga si Kuya. Wala sigurong klase 'to kaya maraming oras.
"Have you eaten your lunch?" tanong niya pabalik.
Umiling-iling ako. "Hindi pa. Kakatapos ng klase ko." binuhat ko ang isang upuan para sana iayos nang bawiin niya ito sa akin at siya na ang nagbuhat.
"It's almost two in the afternoon. Nagpapalipas ka ng gutom. What do you want to eat?" sermon niya sa seryosong mukha.
Napa-ngisi ako dahil bihira ko siyang makitang ganito habang nasa loob ng school, lalo na't naka-complete uniform siya. Kadalasan mukha siyang inosente at madaling pagkaisahan dahil sa itsura niya, parang nawawalang bata at walang kaalam-alam sa mundo.
Kaya ang makita siyang seryoso, salubong ang makakapal na kilay, at mariing dikit ang mapupulang labi ay sobrang bago sa akin. It was like a refreshment.
I bit the insides of my cheeks to hide my reaction. Humarap ako sa counter para silipin kung anong pwedeng mabili. "Kahit ano na. Kung ano pang meron." kaswal kong sagot.
"Alright. Wait for me here." akmang aalis na siya nang hawakan ko ang palapulsuhan niya upang pigilan siya. Bumaba ang mata niya roon saglit bago binalik sa akin.
"Why?"
"Ako na. Ako na ang kukuha. Magpahinga ka na, kanina ka pa ata dito---- Juan!" reklamo ko nang hawakan niya ang magkabilaang balikat ko at tinulak ako paupo sa isang upuan.
"Wait for me here." desidido niyang sambit bago ako tuluyang iniwan.
Napaupo ako ng wala sa oras at tinitigan na lang siya paalis. Ang kulit ni Juan!
Ilang minuto lang nakabalik na siya agad. Maliban sa kami lang ang tao rito, walang ibang bumibili kaya mabilis lang. Dala-dala ang isang tray, nilapag niya iyo sa harap ko bago tumabi sa akin. Both forearm placed on the table, he looked at me.
"Do you like that?" tukoy niya sa dala.
Binilhan niya ako ng porkchop, kanin at soft drink. Tumango ako sa kanya. "Oo naman. Salamat." sagot ko.
Pagkatapos kong magdasal ay kumain na ako. Habang sumusubo ako ng pagkain ay ramdam ko ang panonood niya.
"Tell me if you want more." aniya.
Bumaling ako sa kanya at halos mabuga ko ang kinakain nang makitang naka-patong na ang baba niya sa palad habang nakatitig sa akin at bahagyang nakangiti. Nakaka-entertain ba akong panoorin kumain?!
I shook my head. "H-Hindi. Wala. Ayos na 'to." tumikhim ako. "Wala ka bang ibang gagawin?" ilang kong tanong.
He gently shook his head too. "Wala. P.E. na lang mamayang last subject."
Uminom ako ng softdrink dahil bumabara ang pagkain sa lalamunan ko. "Ano'ng oras 'yon?"
"Four."
"Saan kayo mag-lalaro?"
"Open field. Why?"
"H-Ha? Wala. Natanong ko lang." bumalik na ako sa kinakain at pumikit ng mariin. Bakit nga ba kasi ang dami kong tanong?
YOU ARE READING
That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)
RomanceVeronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to provide for their needs that she forgets that she... was also in her youth too. But when a nerdy, handsome, innocent looking and rich guy entered her life...