syete
"Ate, kanina pa tapos ang service." tawag sa akin ni Moris. Nilingon ko siya. "'Di pa ba tayo aalis?" nagtataka niyang tanong.
Tumango na lang ako at kinuha na ang bag namin. Totoo naman na sampung minuto na ata simula nang matapos ang service dito sa church, pero hindi ako tumayo sa kinauupuan. Marami pa namang tao kaya ayos lang.
Sinundan niya ako ng tingin. "Ayos ka lang?" wika ulit nito.
"Oo naman. Nag-iisip lang. Saan mo ba gusto kumain? Habang nasa mall tayo."
Ngumuso lang ito at parang hindi kumbinsido. Sinuot ko na sa kanya ang backpack niya, kinuha ko na ang kamay nito upang makapaglakad na kami.
Linggo-linggo kami nagsisimba ni Moris. Dahil bata pa lang kami sinanay na kami, ngayon dala-dala na namin hanggang sa pagtanda. Active rin naman ako rito sa youth, sadyang sobrang busy sa college kaya hindi sa lahat ng oras nakakatulong ako dito. Pero kilala ko silang lahat, para ko na rin silang pamilya.
Palabas na sana kami ng hall nang masalubong namin si Ate Sela. "O, uuwi na kayo? Vera?" tanong nito.
Ngumiti ako at tumango. "Opo, pero kakain muna kami sa labas. Habang may oras po akong igala si Moris ngayon."
"Ay, dito na kayo mananghalian! Nagluto kami ng ulam, sumabay na kayo."
Tumingin ako kay Moris at kinagat lang nito ang ibabang labi. Gusto niyang kumain sa labas panigurado.
"Ayos lang po. Sabay gala na rin namin ni Moris. Pero salamat po sa alok. Sa Sabado pupunta po ako dito." tugon ko.
Ngumiti lang ito sa akin at tinapik ang balikat ko. "O, sige pala. Mag-iingat kayo ha?" tumingin ito kay Moris. "Wag masyadong magpagod para 'di na-sstress si Ate, okay?"
"Opo..." niyakap ni Moris ang braso ko.
Tumawa nalang ako.
"Salamat po, aalis na po kami." paalam ko.
"Ingat kayo," tumango na ito sa akin at naglakad na muna, tutuloy na sana kami ni Moris nang marinig kong nagsalita ulit si Ate Sela kaya napalingon ako. "Mr. and Mrs. Valcarcel! Welcome back po."
Ganoon na lang ang panlalaki ng mata ko at pagpapawis ng palad ko nang makita si Juan. Nakatayo ito sa tabi ng isang may edad na babae at lalaki. Kahawig niya ang iyon! Tatay niya ata? Mga magulang niya?
Teka? Nandito sila?! Dito rin sila nagsisimba?!
Sa laki ba naman ng hall hindi ko na mapapansin lahat ng uma-attend! Nagdaluyan ang lamig sa katawan ko. Nahihiya pa naman akong humarap sa kanya ngayon!
He's wearing a casual plain mauve colored-polo shirt and a black pants.
"Nice to see you again, Seliana. It's good to be back here..." tugon ng mestisang babae. Siya nga ata ang nanay ni Juan. She aged like fine wine, just a few lines on her forehead and milky white skin. Dark brown hair and black eyes.
She looked a bit Asian though. Chinese? Japanese?
"Kamusta ang pagtira niyo sa Espanya? Mabuti at isang taon lang kayo doon. Masaya po kaming makasama kayo ulit." natutuwang sambit ni Ate Sela.
Sumulyap naman ako sa matandang lalaking tahimik na nakatayo. Tall and broad shoulders, except that his hair was a bit grayish. But his facial structure was still on point, high pointed nose, deep eyes, sharp jawline. Kamukhang-kamukha niya si Juan. Mata lang ang pinagkaiba nila dahil medyo singkit si Juan.
E-Espanyol ang tatay niya?
Kaya pala ang ganda ng lahi niya?
Kung hindi ko pa napagtanto na kanina pa bukas ang bibig ko at malapit nang mahanginan ay hindi pa ako matatauhan. Bago pa ako tuluyang makita ni Juan ay tumalikod na ako at hinila si Moris palayo at palabas ng hall.
YOU ARE READING
That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)
RomanceVeronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to provide for their needs that she forgets that she... was also in her youth too. But when a nerdy, handsome, innocent looking and rich guy entered her life...