Chapter II

272 11 5
                                    

dos

Tulala akong naiwan sa gilid ng pool nang tumalikod na ito at lumangoy ulit. Hindi ko nasagot ang sinabi niya dahil nagulat din ako sa words of wisdom niya. Grabe naman, pakiramdam ko nasulyapan ko sandali ang Juan Theodore na pinakilala sa akin ni Jayen kanina.

He looks unruly without his specs and cleanly brushed-up hair, but I think what's inside of him remains the same. Mukha lang siyang malaki at misteryoso sa labas, pero inside he's a soft guy with lots of wisdom.

Tumayo na ako at inayos ang sarili. Hindi pwedeng nakatulala lang ako buong session. Chop-chop! Vera. Nandito ka para magtrabaho at kumita.

"Two minutes." pinindot ko ang stopwatch nang umangat ito sa gilid ko.

He pushed his hair back and wiped the water off his face. "Slow." komento niya sa sarili.

Tumaas ang kilay ko. "Ayos na nga 'yon."

Tumingala siya sa akin at kumunot ang noo. "For one hundred meter? Nah."

Mangha ko siyang tinignan. "Ano ka ba? Marunong akong lumangoy pero hindi kasing bilis mo. Alam kong may ibibilis ka pa, pero sa totoo lang ayos na 'yon."

Binasa nito ang ibabang labi. "I am not satisfied, Miss Anonymous." hindi pa rin siya kumbinsido.

Ngumuso ako at niyakap ang dalawang tuhod. Umangat muli ang mata niya sa akin at nagsalubong ang kilay. "Hindi ka naman sasali ng competition 'di ba?"

Umiling siya. Waters crashing on his wet body and bids of it dropping from his head down.

"Naman pala e. Bakit mo pa inoorasan ang langoy mo?" pagtataka ko.

"Because I want to know how long I can stay under water."

Natigilan ako.

May bad experience nga siya sa paglangoy dati. Nakukumpirma ko na. Ayaw niya lang sabihin sa akin. Hindi naman siya aabot sa punto na magbabayad na siya para lang may tumulong sa kanya makabalik sa paglangoy.

Tahimik na lang akong tumango. Ayoko naman usisain pa iyon at magtanong. Hindi naman kami close para sabihin niya pa sa akin. Kahapon nga lang kami nagkakilala at binabayaran niya lang ako.

Natapos ang session mga seven thirty na. May masaksakyan pa naman akong jeep dahil alas-otso ang last trip. Ayoko mag bus dahil mas mahal ang bayad, sayang at kailangan kong magtipid.

Sinuot ko na ang backpack nang lumabas na si Juan galing changing room. Isang oversized plain black shirt and white shorts ang suot niya at tim na slides rin. Nakasabit sa isang balikat nito ang backpack habang naglalakad patungo sa akin.

Nag-iibang anyo talaga si Juan kapag gabi. Ang hirap pa rin talaga sanayin ang sarili ko at ipaalala na si Juan Theodore 'yan. Iyong sinabihan kong plain at walang flavor.

Mali ata ako. Maling-mali.

Tumingala ako sa kanya nang huminto siya sa harap ko. Matangkad talaga siya. Naamoy ko agad ang mamahalin at matapang nitong pabango na pakiramdam ko mas mahal pa sa tuition ko, humahalo iyon sa shower gel niya dahil bagong ligo siya at basa pa ang buhok.

"Tapos ka na? Tara na." yaya ko nang makabalik sa wisyo at natapos ko na siyang pasadahan ng tingin.

"Yeah." tugon nito at sumunod na sa likod ko nang maglakad ako agad.

Kailangan ko kasi habulin ang oras ng jeep. Baka wala na akong maabutan. Nag-aantay rin si Moris sa apartment at baka wala pang naluluto 'yon.

"I'll send your payment when I get home." saad nito sa likod ko.

That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)Where stories live. Discover now