veinticinco
Nawala lahat ng iniisip ko nang may tumusok ng takip ng ballpen sa pisngi ko. Inangat ko ang ulo at tumambad sa akin si Dexter. Kusang gumuhit ang ngisi sa aking labi at nag-unat ng katawan. Ilang oras na rin akong naka-upo rito sa cubicle ko. Mamimiss ko ito.
"Nakatitig ka na naman d'yan sa graduation picture mo. Nagre-reminisce ka na naman ng college life?" alam na alam niya na ang galawan ko. Naka-upo ito sa desk niya habang nakaharap sa akin.
Humugot ako ng malalim na hininga at pinag-krus ang braso sa dibdib. "Ang galing lang. Isipin mo 'yon? Napagkakasya ko ang sweldo ko sa part-time dati. Para sa pagkain ko, nagpapadala pa ako sa kapatid ko."
Tumango ito at inayos ang kwelyo ng polo niya. Si Dexter ang isa sa mga Filipino na katrabaho ko dito sa L.A. Matapos akong maka-graduate ay dito agad ako na-assign. Sobrang saya ko nga nang malaman na karamihan ng nagtatrabaho sa kumpanya namin ay Filipino. Pero sa department namin, apat lang ata kami.
"Malupit ka talaga. Scholar ka pa n'yan. Wonderwoman ka ata."
Umiling-iling ako sa kanya. Tatlong taon na kaming magkakatrabaho. Kaya kilalang-kilala na nila ako, at alam na rin nila halos kalahati ng kwento ng buhay ko. Gano'n rin ako sa kanila.
"Gano'n talaga kapag 'yon lang ang choice mo." nilapat ko ang likod sa sandalan ng swivel chair. "Pero thankful pa rin ako. At least nagkaroon ako ng opportunity na mag-aral at magtrabaho."
"Tama-tama. Worth it pa rin lahat ng hirap."
Ngumisi ako. "Bakit ka nandito? Tapos na experimentation niyo?" tanong ko. Alam ko kasi nasa meeting dapat siya ngayon.
"Oo. Maagang natapos. May meeting pa daw ang head manager, nagmamadali kanina." umalis na ito sa pagkaka-upo at tumayo ng maayos. "Tara, lunch. Nagyayaya sila Lyle. Tulala ka kasi kaya kailangan pa kitang ibalik sa realidad." anito habang inaayos ang gusot sa polo niya.
Bumuntong hininga ako bago pinatay ang monitor ko. "Sige. Papatay ko lang 'to." pagpayag ko.
"Dapat ata magsimula ka nang maglinis dito? Ayusin mo na ang gamit mo para diretso lipat ka na next week?" sabat niya ulit.
Bahagya akong humalakhak. "Hindi ako lilipat. Magsisimula lang sa field ko. Bale, madadalas ako sa labas para i-meet ang mga client. Babalik lang ako dito para sa paper works." paglilinaw ko.
Bigla kasi akong na-promote kahapon bilang outstanding advisor. Hindi ko naman inexpect 'yon dahil sa laki ng kompanya namin, maraming magagaling. Although inaasar na nga nila ako last week pa na isa ako sa ma-po-promote. Ayoko naman mag expect. Pero ito nga, Lord willing nakuha ko.
Excited na nga ako. Mas gusto ko talaga kumikilos kesa nasa tapat lang ako ng screen.
"Ah, ganoon? Pero maganda parin 'yon. Marami kang makakasalamuha na businessman. Mga mayayaman. Maghanap ka na rin ng boyfriend para 'di ka nag-iisa palagi."
Inismiran ko siya at tumayo na nang matapos kong shinut-down ang computer. Kinuha ko na rin ang wallet ko.
"D'yan ka na naman sa usapan na 'yan. Porket ikakasal ka na. Gusto mo lahat susunod sa'yo." balik ko.
Nagsimula na kaming maglakad. "Ang amin lang naman nila Lyle, hindi na tayo bumabata. Tignan mo nga ako, magse-settle down na. Si Lyle may boyfriend. Si Macy may ka-talking stage. Ikaw na lang hindi masaya!"
Hinampas ko ang braso nito gamit ang dala. "Sino may sabing hindi ako masaya? Masaya naman ako!" depensa ko pa. Mukha ba akong malungkot?
"O? Kaya pala kung hindi graduation picture mo ang tinitignan mo, 'yong picture mong may kasamang lalaki sa dagat na parang kuha pa noong panahon ni kupong-kupong—- aray!" reklamo niya nang hindi ko napigilan ang hilahin ang buhok niya, at halos habulin ko pa siya nang takbuhan niya ako.
YOU ARE READING
That Juan Time Stopped (Introduction - To the Dreams of my Youth a Series)
RomanceVeronika Elvera Higuera decided to be independent at an early age. She does not waste time to provide for their needs that she forgets that she... was also in her youth too. But when a nerdy, handsome, innocent looking and rich guy entered her life...